"Hindi ko kaya..."
Kasalukuyan akong nasa loob ng kotse kasama si Cielo na inaanyayahan na ako na bumaba na at pumasok sa loob ng memorial chapel pero masyadong mahina ang loob ko upang pumasok sa loob dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin na ako ang may kasalanan kung bakit may ganitong kaganapan.
"Love, if you're worrying if she might hurt you, I swore to keep you safe, and that means no one, not even her, will ever lay a finger on you."Pagpapakalma nito sa'kin habang ang kamay nito ay nakapatong sa kaliwang kamay ko at marahang hinihimas gamit ang hinlalaki ng kamay niya.
"Hindi ako takot na saktan niya ako, natatakot ako na makita sa kaniya na kinamumuhian na niya ako."Pag amin ko, hindi ko kayang mawalan ng kaibigan, si Zavia na lang ang natitira kong kaibigan. Kung gusto niyang saktan ako, tatanggapin at tatanggapin ko naman, eh... kahit mayroon pang dugong lumabas mula sa'kin dahil sa pananakit niya.
"My Wife... I know I've said this before, but please believe me - this isn't your fault. You did everything you could, you poured everything into saving him, and that's a testament to your incredible heart. Losing someone is so hard. Grief can make people say and do things they don't mean, she's hurting, and lashing out is a way to cope, maybe. We can't blame her for that. When she's ready, we'll be here with open arms."Dahil sa sinabi niya ay gumaan ang pakiramdam ko.
Naiintindihan ko ang gusto niyang ipunto dahil kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kaniya noon, matapos kong sisihin ang sarili ko sa pagkamatay ng kapatid ko, nagalit ako nang sobra na tipong ibinabaling ko sa kahit kanino ang kasalanan sa pagkamatay ng kapatid ko, pero naintindihan nila ako dahil nagluluksa ako.
Sinubukan na namin na bumaba ng sasakyan kaya naman sunod-sunod ang pag flash ng mga camera lalo na nang makita nila si Cielo, pero mas inuna ni Cielo na takpan ang mukha ko upang hindi ako masama sa mga pictures bago niya ako tuluyang alalayang bumaba kanina.
Naunang pumasok si Cielo sa funeral chapel, nakita ko na lumapit si Zavia kay Cielo at maayos naman ang pakikipag usap nito sa kaniya pero nang makita ako ni Zavia ay tila ba mayroong apoy na sumindi sa mga mata niya at dali-daling nag lakad palapit sa'kin.
Umamba itong sasampalin sana ako nang mahuli ni Cielo ang kamay nito at agad din namang binitawan. "How dare you to even go here?! James is DEAD because of YOU! You could have saved him, but you CHOSE not to! And E-Every breath I take feels like a betrayal to him! And YOU... you get to live?! I can't believe I ever befriended someone so gutless! Y-You... you took him away from me. You took e-everything."
Nanginginig ang mga kamay niya habang sumisigaw sa'kin, lahat ng mga tao rito ay nakatingin sa'kin, ang iba ay mayroon ng mga cellphone na nakalabas na paniguradong naka video na sa'kin pero hindi naging dahilan sa'kin 'yon para tumakbo o umiyak, nanatili akong nakatingin kay Zavia.
Halatang-halata na namayat ito, kitang-kita ang mga malalalim nitong mga mata na para bang ilang linggo na itong hindi natutulog nang deretso, at ang mga sugat nito mula sa nangyari noon ay nababakas pa rin sa kaniyang balat.
"T-This... is all your f-fault."Sabi nito at napaluhod na lang sa sahig dahil sa panghihina kaya naman agad akong nag tungo sa kaniya upang alalayan siyang tumayo ngunit malakas lang ako nitong itinaboy kaya muntikan na akong mapaupo sa sahig dahil medyo naitulak niya ako pero agad din akong naalalayan ni Cielo.
"Get out! I DON'T WANT TO SEE YOU EVER AGAIN! Don't come back here!!!"Buong sigaw nito at tumalikod na habang pinupunasan ang iyak, nag tungo naman sa amin ang mga magulang ni James at humingi ng tawad at pinakiusapan na umalis na muna kami pero sinabi nila na kung gusto ni Cielo mag stay ay maaari naman pero pinili ni Cielo na umalis na rin at babalik na lang bukas.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...