Chapter 17 TATVSW

84 5 1
                                    

Nasa university auditorium ako ngayon kasama ang ibang SSC members, nag-aayos na kasi kami para sa set-up mamaya, walang pasok ang lahat ng grade levels, maliban na lang sa mga athlete na kinakailangan mag practice, pero maaari naman pumasok ang ibang students kung gusto nila manood ng election, pero ang iba ay mas pinipili na lang na manood through live.

Ang voting ay sa online form upang mapabilis ang pagbibilang dahil hundred thousand ang students dito, pero makaka-vote ka lang sa university app namin kapag may account ka. Hindi ka rin naman makakapag log in sa school account if wala kang given school ID and Password. So, students lang ang maaaring mag vote, no outsiders dahil unfair iyon.

"Kanina ko pa napapansin, bakla, ha! Kanina pa magkarugtog mga kilay mo. Mukha ka ng si Angry Bird."Sabi ni Chase at marahang tinusok ang kanang kilay ko kaya umiwas ako sa kaniya, hindi ko siya sinagot at binuksan na lang ang LED Screen ng stage dito, magp-pop up mamaya dito ang mga picture ng candidate and platforms nila.

Nang matapos ko buksan ang stage screen ay bumaba na ako upang kuhain ang mga upuan na uupuan ng kada-candidate sa stage, medyo may kabigatan ang bawat upuan dahil pinagawa pa raw ito ni Dean para lang sa election na ito. Wala ang ibang boys dahil sila ang nagsasabit sa taas ng kung-ano-ano.

"Let me help you."Lumingon ako sa nag salita kaya sandali kong binitawan ang upuan, nakita ko si Zeus na naka-suot ng formal attire ngayon, hindi naman required na mag school uniform ngayon dahil wala namang pasok. "Sigurado ka? Kaya ko naman."Sabi ko rito.

Lumayo ako kaunti sa kanya upang mabuhat niya ang upuan, binuhat niya ito effortless na parang unan lang ang binuhat niya. Paulit-ulit ang ginawa namin hanggang sa maibaba na niya ang huling upuan, pinagpagan niya ang dalawang kamay niya bago ako lingunin.

"Ba't?"Tanong ko dahil nakita ko na naman ang uncommon na tingin niya sa akin, ito rin ang tingin na binigay niya nang mag-usap kami. "Uh... Have you have your breakfast? If not, would you mind if I invited you to breakfast with me?"Tanong nito.

Nakaramdam tuloy ako na parang mayroon akong utang na loob dahil sa pag tulong niya sa akin. Tiningnan ko ang relos ko upang tingnan kung may spare time pa ako. "Sige..."Sagot ko na ikinangiti niya nang tipid.

NAGLALAKAD na kami ngayon papunta sa isang coffee shop na nasa loob lang din ng University. Minsan nagtataka na ako sa University na ito, nakakalito na rin minsan, mall ba 'to or university? Sa dami ba namang kainan dito.

"How's your relationship with Cielo?"Tanong niya na ikinakunot ng noo ko, relasyon? wala akong relasyon kay Cielo 'no! Yuck! Narinig ko na natawa siya, siguro ay dahil sa naging reaction ko. "I mean, friends, not as couple."Paglilinaw niya.

"We're not friends either."Maikling sagot ko kaya naramdaman ko ang pag hinto niya sa paglalakad na nag patuloy rin naman. "Really? But you two are acting like It's more than friends, but not quite lovers."

"Ang weird niyong magkakaibigan, at saka, paano mo nasasabi 'yan? Matapos ng mga sinabi mo sa'kin ay nagagawa mo akong tuksuhin sa kaibigan mo? Aish..."Sabi ko at napairap pa, sinusubukan ko na nga mag move sa kaniya pero bigla naman bumaliktad ang ulo niya, bagay na bagay talaga sila ng kaibigan niyang si Mokong. Nilingon ko siya muli at nakasara na ang mga labi niya, namumula.

"Forget it, Elish."Sabi nito at nag lakad na kaya lumakad na rin ako. Kahit na ano pa ang sabihin niya ya hindi ko makakalimutan iyon, iyon ang unang beses na mayroong nag sabi sa akin ng ganoon.

"At saka, kaka-break lang ng kaibigan mo,"Sabi ko nang makasabay ako sa paglalakad sa kaniya, ang bilis niyang mag lakad sa haba ng paa niya. 

"Break? with Zyra? Is that what we told you?"Pag kumpirma niya, tumango naman ako. "Oh... so you don't know?"

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon