Chapter 21 TATVSW

78 4 0
                                    

Parang hawak na hawak ni Cielo ang buhay ko, wala akong nagawa kundi ang patawarin siya kanina dahil ayaw na ayaw niya akong tigilan kahit na anong pagpapalayo ko sa kaniya.

Pero inilabas niya ang trabaho ko card, isusumbong daw niya ako kahit na may dalawang kondisyon na siyang sinabi sa akin noon! Sinabi ko rin naman na sasabihin ko ang ginawa niya pero ang loko nahanapan pa rin ako ng butas, wala raw akong ibidensya, at wala rin naman daw maniniwala sa'kin kung isusumbong ko siya, isa pa, madadamay din daw ako! Nakakatangina talaga siya, sa totoo lang.

Ang lala ng takbo ng utak niya, para sa kahit anong sabihin ko, naco-corner ako! 

Gusto ko rin sana siyang lapagan ng kondisyon card na siya ang gumawa ng mga gagawin ko sa student council for a week, pero paano ko naman gagawin iyon? Makikita ng mga members ko na wala akong ginagawa. Isa pa, baka kung ano ang isipin nila, mahirap na magkaroon ng bad image.

At ngayon, nasa loob ako ng banyo at nakikipag talo sa isip ko. Naalala ko kasi na ngayon ko na gagawin ang pangalawang kondisyon ni Cielo. Demonyo talaga 'yong lalaking 'yon. Seryoso talaga siya na gagawin niyang blackmail sa kain ang sitwasyon ko. Inisip ko ulit ang mga pinag-usapan namin.

"At ano naman ang second condition?! And please, ayusin mo. Dapat yung hindi madudungisan pangalan ko."Ani ko sa kanya kaya umiwas siya ng tingin sa akin at tinap-tap ang mga dalari niya sa manibela niya.

Nilingon niya ako nang makapag-isip na siya. "Alright, deal! Here's my second condition: cafeteria buddies! We both eat lunch and recess there, so it'd be a great chance to get to know each other better. After all, you did say we were practically strangers. Para naman hindi ka na mandidiri sa akin." Paliwanag niya.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at marahang napailing, iniisip ko ang gagastusin kong pera. Hindi naman pwedeng kumakain siya tapos ako? Tunganga? Gano'n? Mag mumukha naman akong nag aantay ng tira-tira niya. Aishh... 



"SIGE NAAAAAAAAAAAAAA!!!"Nakayakap ako sa braso ni Chase, nasa classroom kami ngayon at pinipilit ko siya na samahan niya ako sa cafeteria kumain dahil wala pa naman ang mga ibang kaibigan ko, wala akong makakasama, at panigurado na kapag nakita kaming dalawa ni Cielo na kaming dalawa lang sa cafeteria ay baka mag issue sila.

"Mhema, hindi nga pwede at may gora pa ako sa architecture department! Kikitain ko doon ang fafabels ko."Dahilan nito sa akin kaya napaupo na ako sa sahig at nag crossed ng arms na para bang isa akong batang hindi napagbigyan sa gusto.

"Libre ko naman, eh... At saka, andoon si Cielo. 'Di ba, crush mo siya? SIGE NAAAAA!"Sabi ko pa rito at hinawakan ko na ang paanan niya pero nag lakad siya kaya nakakaladkad niya ako at halos humiga na ako sa sahig,

"Mhiema, alam kong pogi si papa Cielo, pero hindi talaga. Next time na lang. Sayang 'tong kikitain ko."Sabi niya at madiin na sinara ang hawak na foundation kaya bumitaw na ako at tuluyan nang humiga sa sahig, binuka ko pa ang mga kamay ko at napapadyak sa sahig. 

"Ahhhhhhhhhh! Ayokoooo!!! Kasi, eh! Tangina!"Inarte ko.


"GUSTO mo tikman?"Tanong ni Cielo at ini-usog sa akin ang maliit na plato na may slice ng cake na redvelvet, kinuha ko ang tinidor ko at maliit na humiwa doon sabay tikim no'n. 

Para akong lantang gulay sa mga kilos ko, mabuti na lang at hindi pa pumapasok ang mga students ngayon kaya wala pa kami masyadong kasama rito sa cafeteria at less issue kasi kaming dalawa lang talaga ang kumain, walang sumama sa'kin kahit sino ang ayain ko! 

Sinabi ko na nga na ililibre ko sila ng kahit anong gusto nila pero busy sila sa mga academics nila! 

"Alam mo? Hindi ko alam kung paano ka nakikipag communicate sa'kin as if nothing happened. Ang casual na casual mo."Sabi ko sa kaniya at umirap pa. Ngumisi naman siya sabay kain ng cake na inalok niya sa akin. 

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon