Chapter 40 TATVSW

48 3 0
                                    

Napasandal na lamang ako sa upuan kasabay ng pagkagat ko sa ibaba kong labi matapos kong onti-onting maintindihan ang mga salitang trinanslate ko sa papel na ngayo'y hawak-hawak ko at titig na titig ang mga mata ko. Hindi ko na nga natapos ang pagsusulat dahil dito, para bang everything were meant to happen AGAIN.

'Matagal na simula nang makapag sulat muli ako rito sa talaarawan ko, marami lang kasing mga kaganapan na sabay-sabay na nangyari. Matapos ang pamamalagi ko sa Pilipinas, pinabalik din ako sa Korea, ngunit, napag desisyonan ko na umalis muli sa Korea at mag tungo sa Nethilor upang sundan ang taong iniibig ko, si Keithan. Sa Nethilor ko nais bumuo ng pamilya kasama siya.'

Nangunot ang noo ko, pamilya ka agad? Umiling ako at binasa ko ulit ang mga nakasulat sa papel pero tumigil din ako dahil parang hindi ko na kakayanin ang sunod na mababasa ko, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Walang mangyayari kung iiwasan ko ang pagbabasa nito.

'Nang una kong mag tungo ako sa Pilipinas, ang apilyidong ginamit ko ay Hyung kaya kilala ako ng lahat nang ganyan ang apilyido ko dahil ayoko na malaman ng lahat kung sino at kung ano ang pamilyang pinanggalingan ko, laking pasasalamat ko na lang siguro na hindi pa ako naipapakilala nang lubusan sa publiko, hindi ako lumalabas sa publiko kaya wala ring ideya ang mga publiko sa Korea kung ano ang itsura ko ngayong dalaga na ako. Ngunit alam ko na darating araw na muli nila ako ipapakilala sa publiko at bago pa tuluyang mangyari 'yan, kaya nang nag tungo ako sa Nethilor ginamit ko na ang totoo kong apilyido--- Quer-Zellevian.'

Ibinaba ko ang papel na hawak ko at dali-daling bumaba mula sa kwarto ko at nagtungo sa kusina, nagsalin ka agad ako ng tubig sa baso at dere-deretso itong ininom. Para akong aatakihin ng hika ko sa mga nabasa ko. All this time, Hyung is not our middle name! And it wasn't my mom lastname. But if she decided before na gagamitin na niya ang real last name niya then bakit Hyung pa rin ang nakadikit sa mga pangalan namin ng mga kapatid ko? For what?

So Cielo is right, ang babaeng nakita ko sa NU memorabilia sa lugar kung nasaan ang mga old SSC members pictures ay ang mommy ko talaga, siya ang dating Vice President dito. Ang taon na iyon ay ang taon din kung kailan tumakas si Mommy upang sundan si Daddy dito... si Daddy ang dating President ng university na 'to. 

At ngayon, parang si mommy noon, ako rin ang vice president ng student council--- Shet! Parang may nabubuong teorya sa utak ko kung bakit ako sinali dito ng misteryong lalaking nagsali sa'kin dito sa student council, ah... May alam din kaya siya kay mommy ko? 'Cause if that's the case then i have to find him, but how?

Matapos ko uminom ng tatlong basong tubig ay bumalik na ako sa kwarto ko at nag-umpisa muling basahin ang papel, last na lang 'to at ayaw ko na. 

'Nang makarating ako sa Nethilor, doon ko nalaman na ang unang lalaki kong nagustuhan ay nandito rin, ang kuya ni Keithan. Akala ko ay magiging maayos ang buhay namin ni keithan dito pero hindi, nalaman ko na andito pala ang kuya ni Keithan dahil sinundan niya kami para mag higanti sa'ming dalawa. Hindi ko alam kung paano niya kami natagpuan dito sa Nethilor, nais ko sanang maging maayos na dahil hindi ko alam kung ano ang punod dulo ng galit niya sa amin ni keithan, dahil ba pakiramdam niya ay pinagtaksilan ko siya? Dahil siya ang nauna kong nagustuhan pero mas pinili ko ang bunso niyang kapatid na si Keithan? Kaya para sana matigil na, nais ko sanang makausap si Tri---'

Nairita ako nang putol ang binabasa ko, tiningnan ko sa diary ni mommy if may kulang lang akong naisulat sa pangalan pero dito sa diary ay putol din ang pangalan kasi punit ang pahina. Paano na 'to? Hindi ko pa naman kilala ang mga kuya ni dad, wala akong alam sa mga kamag-anak namin both side. Aish!

Each page of Mom's diary held a piece of the puzzle, a shard of truth I desperately craved. Yet, my fingers hovered over the next entry, a tremor of fear running through me. Though reading further felt inevitable, a part of me wanted to slam the diary shut and walk away. This couldn't be the only option, could it? The truth screamed at me, a siren leading me straight into a brutal confrontation.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon