"Tahan ka na..."Marahang kong tinatapik ang likuran niya upang tumahan siya.
Magkatabi at parehas kaming nakasandal sa pader dito sa dulo ng parkihan upang walang makarinig sa kanya, kanina pa kasi siya umiiyak pero hindi ko pa alam mismo ang dahilan pero may ideya ako na tungkol ito sa love life niya, kaya nga hindi ko siya ma-comfort dahil never pa ako nagkaroon ng karelasyon.
"I saw them..."Panimula nito, hindi ko alam kung bakit siya sa akin pumunta kung may mga kaibigan naman siya na mas nakakakilala sa kaniya at nakakaalam ng relationship niya, kung bakit niya mas piniling umiyak sa balikat ko kanina, na bakit ako ang pinili niyang sabihan ng mga nangyari.
Kung hindi, agency ng mga nawawalang tao, isa namang agency ng mga taong sawi sa pag-ibig.
"I went to Zyra's place to have a closure to her, since we had already split up when I won the presidential election... I was the one who ended our relationship."Aniya, hindi na ako nagulat pa dahil sinabi na niya sa akin 'yan noong umamin siya na nag sinungaling siya sa akin.
Pero bakit after no'ng friday ay hindi naman halata na nakipag break na siya? Nagtataka talaga ako dahil hindi naman siya mukhang malungkot, hindi siya nasasaktan, na para bang wala lang sa kaniya ang naging relasyon nilang dalawa ni Zyra. Baka naman natauhan na siya? Saan naman?
"Last Sunday morning, I was surprised to see my friends and my ex-girlfriend Zyra at my house. We had already broken up, so I was confused about her presence. She ended up talking to my mom, and afterwards, I haven't had a chance to ask her what they discussed. I'm worried she might have told my mom something about our relationship, possibly even implying we're still together. It's frustrating not knowing what happened kasi nang bumalik ksi ako sa bahay, matapos ng nangyari sa'tin, nakauwi na siya."Paliwanag niya, tumatango lang ako para malaman niya na nakikinig ako, gusto ko lang din siya patapusin.
"So then, aside from wanting to have a closure with her, I also wanted to know what she discussed with my mom. It gnawed at me. So, I drove to Zyra's place. As I approached, I saw my mom's car parked out front. A knot formed in my stomach. Logic told me to stay put, but a strange feeling of unease propelled me forward. I ended up walking towards her house, despite knowing it might not be the best move."Pag kwento niya pa at muling lumagok ng bote ng alak na iniinom niya, hindi ko siya pinigilan kahit na alam ko na 17 pa lang siya, bahala siya, kung iyan ang nagpapakalma sa kaniya, edi go. Sino ako para pigilan 'yon?
"I heard every conversation they had with each other."Dagdag pa nito bago ako nilingon. "This is some serious bullst! My mom actually offered Zyra five million Nheliar to leave me alone, to basically break up with me again! We were already done! What the fk was the point of that?!"Inis na sabi niya.
"Can you believe it? Zyra even turned down the 5 million Nheliar offer at first. But my mom doubled it, to 20 million, and then Zyra agreed. My worth seems to be nothing more than a price tag to them."Kwento niya pa, hindi ko siya masisisi kung nasasaktan siya ngayon kahit na hiwalay na sila noong friday, kahit ako ay masasaktan kung malalaman ko na pera lang pala halaga ko.
Pero sa narinig ko, parang mas lumalabas dito na ginamit ni Zyra si Cielo para magkaroon ng pera, na nag sinungaling siya sa mommy ni Cielo. Pero paano? I mean, alam ba niya na o-offer-ran siya ng mommy ni Cielo ng pera para hiwalayan si Cielo kaya kahit hiwalay na sila talaga, nag sinungaling pa rin siya para magka-pera?
"P*tang*na..."Mahinang mura niya at natawa pa sa sarili at naiyak na naman. Pero ngayon ko lang siya marinig na mag mura sa tagalog, ang cool pala pakinggan, may accent pa rin. Aish... lasing na nga talaga siya.
"Nauto mommy mo? Hindi mo ba sinabi sa kaniya na may relasyon kayo then nag break din kayo agad? Noong panahon na nahuli kayo ni Dean? Sabagay, pinagpatuloy niyo nga pala."
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...