Chapter 71 TATVSW

15 0 0
                                    

Trigger Warning: Death (Read at your own risk)


Tahimik na nag babasa ng libro si Elishiana sa backyard, nakaupo siya sa sofa habang ang dalawa niyang kapatid ay naglalaro ng tennis, nasa harap niya lang ang mga ito kaya kitang-kita niya ang mga ito kahit na ang mga mata niya ay nakatingin sa libro. 

Lumipas ang ilang minuto ay nangawit na siya sa kakahawak ng libro kaya naman ibinaba niya ito sa lamesang nasa harapan niya at uminom ng tubig, matapos ay hinimas niya ang tiyan niya, napatingin pa ito sa tiyan niya, umaasa na baka magparamdam ang mga anak niya, kahit man lang sumipa ito, ngunit walang nangyari. 

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya na kung bakit sa araw na may nangyari sa kanila ni Cielo ay wala siyang maalala kahit na katiting na ideya, kung hindi niya pa nakita ang CCTV footage ay baka magulat na lang siya na buntis siya, baka isipin niya na nabuntis na lang siya agad nang hindi nakikipag tanan, himala ba kumbaga. 

Maswerte na lang siguro siya sa lagay na ngayong buntis siya, hindi siya nakaranas ng changes sa skin pigmentation, alam niyang normal na magbago ang kulay ng ilang parte sa katawan mo kapag buntis ka pero naririnig niya na mahirap na ito ibalik sa normal. 

Napatingin siya sa mga kapatid niya nang maramdaman na naglalakad ito palapit sa kaniya, tumayo siya at agad na kinuha ang dalawang towel upang ibigay sa kanila. "Mag pahinga na muna kayo, dalawang oras na kayong nag lalaro riyan."

Naupo muli si Elishiana sa sofa, kahit gusto niyang punasan ang mga pawis ng mga kapatid ay hindi niya magawa, sobrang dali na kasi niyang mapagod, at habang tumatagal ang pagbubuntis niya ay mas lalo rin itong lumalala na kahit ata pag tayo lang ng ilang segundo ay napapagod na siya.

Matapos nila kumain ng snack ay tumabi si Elizabeth sa ate niya, nahiga ito sa legs ng ate niya, ngunit ang ulo nito ay nakaharap sa umbok na tiyan ni Elishiana. "Unnie, I am excited to see them."

"Excited ka na maging tita?"Tanong ni Elishiana rito at nakangiti itong tumango, nag niningning ang mga mata nito. "Hmmm? Sige nga, ano naman ang gagawin niyo bilang tita ka nila?"

"We will all play barbie, Unnie! Or... tea party! I don't like playing with kuya na kasi, Unnie. He's nakakasawa na."Sagot naman ni Elizabeth na may halo pang reklamo sa kuya niya, umirap pa nga ito upang ipakita ang irita. 

"And then... when they grow up, I will spoil them, Unnie! I will be a rich tita to them!"Dagdag pa ni Elizabeth, bakas na bakas sa mukha nito na kinikilig ito sa mga iniisip na pwede niyang gawin kapag lumabas na ang mga magiging pamangkin niya. 

"Baka naman maging spoiled brat mga anak ko niyan, hinay-hinay din."Paalala ni Elishiana habang marahang natatawa. 

Habang sa kabilang banda ay pinapanood lang ni Jayden ang usapan ng ate at bunso nilang kapatid habang kumakain siya. Pansing-pansin niya ang pag babago sa ate niya, mas lalo itong naging blooming lalo na ngayon na nagkaroon ng laman ang katawan ng ate niya. At sa paraan kung paano mag salita ang ate niya ay tila ba nanay na nanay na. 

Alam naman niya na kaya ng ate niya kung paano mag-alaga ng bata dahil ito ang tumayong nanay sa kanilang dalawa ng bunso niyang kapatid, ngunit nag-aalala lang siya kung kakayanin ng ate niya na alagaan ang apat na bata kahit na sabihin nating may mga yaya sila, hindi naman lingid sa kaalaman niya na mahirap na mag tiwala ngayon, kaya hindi rin nila pwede ibigay ang ilan sa responsibilidad sa mga yaya. 

"I'll take a note of that, Unnie!"

"Oh, ano pa gagawin niyo? Yung dito naman sa bahay."Tanong muli ni Elishiana, sa tono ng boses nito ay para bang nananabik na rin itong mangyari ang mga nasa isip ng bunsong kapatid para sa mga anak niya. "I'll teach them how to bake! I love baking now, Unnie!"

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon