"You're thin---"Hindi na natapos ni Gyeong Soo ang sasabihin niya nang humarap sa kaniya si Cielo at agad itong binigyan ng malakas na suntok na ikinatumba nito sa sahig, agad naman kumilos ang mga guardia at tinutukan ng baril si Cielo na hindi nito ikinabahala, sumeyas naman si Gyeong Soo na ibaba ito. Naiintindihan niya si Cielo kaya hinayaan niya lang ito.
"I groveled, I pleaded, offered everything I possessed, even risked my own throne! And you, the one person I trusted to help me to convince your fucking father to drop Elishiana's case! Stood silent while my wife's fate was sealed!"Sigaw ni Cielo rito at muling binigyan ng malakas na suntok si Gyeong Soo na ikinadugo na ng labi nito, dumura ito ng dugo sa lupa at agad na pinunasan ang bibig.
Nababatid niya sa sarili niya na hindi na maibabalik ang buhay ni Elishiana sa ginagawa niya pero hindi na talaga niya kayang mag timpi pa, ang lungkot, hinagpis, galit at pangungulila na nararamdaman niya ay nagsama-sama at sumabog na kaya nailabas na niya ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman niya kaya Gyeong Soo.
"You fucking swore you'd change the decision! But what have you done to Elishiana?!"Muling sigaw ni Cielo, naubo muli si Gyeong Soo ng dugo pero tila ba ayaw pang tumigil ni Cielo, hindi siya nakakaramdam ng awa kaya naman lumapit na ang mga guardia upang ilayo si Cielo kay Gyeong Soo, inalalayan naman si Gyeong Soo na tumayo ngunit muli itong umubo ng dugo bago lingunin si Cielo.
"I d-did..."Nahihirapang sambit ni Gyeong Soo.
2 WEEKS AGO:
Napatayo si Gyeong Soo mula sa pagkakahiga sa kama, hindi siya makatulog hanggang ngayon kahit na madaling araw na, kahit na gusto na ng katawan niyang magpahinga dahil sa pagod ngunit hindi siya hinahayaan ng utak niya.
Patuloy siyang ginagambala ng naging pag-uusap nila ni Cielo noong isang linggo kung saan dumayo ito sa bansa nila para lang lumuhod at magmakaawa na tulungan siyang iligtas si Elishiana, tulungan siyang ipabasura ang kaso, nag makaawa pa ito na linisin ang pangalan ni Elishiana dahil alam naman ni Cielo na binaliktad lang si Elishiana.
Sa totoo lang, noong araw ng paglilitis, ang buong akala niya ay mapapatapon ang isinampang kaso kay Elishiana dahil malinaw naman sa kaniya na walang nilabag si Elishiana, wala rin siyang alam na mayroon na palang mga batas na hindi naman nakasaad sa orihinal na kasulatan.
Pero noong nasa paglilitis na, nagulat siya sa naging kontrata na ipinakita ito sa korte na para bang binago ito at ginaya ang mga pirma at fingerprints nila na ang ink ay mismong dugo nila, pero tila ba naging duwag si Gyeong Soo, hindi siya makapag salita, hindi niya kayang maipagtanggol si Elishiana sa takot.
Dahil alam niyang pakana ito ng ama niya, at sa oras na ipagtanggol niya at kumampi kay Elishiana na sabihing kahit siya ay walang nalalamang mga batas na nakaakibat sa kontrata nila noong panahong magpirma nila ng kontrata ay maaaring pag-initan siya ng ama niya at idamay pa ang kasintahan niyang patagong kinikita niya.
Pero ngayon, dahil sa naging pag-uusap nila ni Cielo, tila nalinawan siya kung sino ba talaga si Elishiana at kung gaano nito hindi ka diserving sa mga nangyayari rito, na wala itong kasalanan, at kahit papaano ay naging mabuting kaibigan ito sa kaniya ng ilang taon.
Para siyang tinamaan ng konsensya kaya naman simula ng araw na iyan ay napagpasyahan niyang ilabas na ang katotohanan, mula sa opisina ng kanyang ama ay naghanap siya ng isang ebidensya hanggang sa mahanap niya ang birth certificate niya.
Kim Eui-woo, iyan ang pangalang nakalagay sa birth certificate niya. Kinuha niya ito at kinuha ang pekeng kontrata na ipinakita noon sa korte noong paglilitis, kumuha rin siya ng iba pang ebidensya na pwedeng ilaban.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...