"Bakit ba, Ate?! Nag bibihis ako!"Sigaw ni JC, andito ako sa labas sa harap ng pintuan niya, kanina ko pa kasi siya kinakatok at hindi pa siya sumasagot kanina kung'di ko pa nilakasan katok ko. Mayroon kasi akong gustong ipakita sa kaniya, ang ganda ng gising ko ngayong umaga, siguro dahil... naging totoo na ako sa sarili ko?
"Ang arte mo naman! Nakita ko na kaya 'ya---"Asar ko sa kaniya pero sumigaw siya na tumahimik daw ako. "Maraming beses na nga, little pututoy---"Dagdag ko pa pero binato na niya ang pintuan niya upang patahimikin ako.
Naranig ko na ini-unlock na niya ang doorknob ng pintuan niya kaya umayos ako ng tayo, pag kabukas ng pintuan ay napanganga siya nang makita ako. Nakabihis na siya ng uniform pero basa pa ang buhok niya at magulo. "Bakit?"Inosenteng tanong ko.
"Aba... Nagdadalagingding na Ate ko, ah... Kailan ka pa natutong mag lugay kapag papasok? At kailan mo pa ginustong ilabas ang bangs mo?"Pag-usisa niya sa akin at ginulo pa kaunti ang bangs ko kaya hinampas ko ang kamay niya. "H-Ha? Naglulugay kaya a-ako..."Sabi ko rito habang ang dalawang kamay ay nasa likuran.
"Mukhang alam ko na dahilan nito... Hmmp. Osya, maganda ka na, kahit na wala naman sa lahi natin ang pagiging pangit."Pagpuri niya kaya bumalik ang ngiti ko at marahang pinat ang ulo niya bago bumalik sa kwarto ko habang nasa likod pa rin ang mga kamay ko at nagi-sway pa habang nag lalakad ako kasabay ng bewang at balikat ko.
NAGLALAKAD na ako ngayon papunta sa classroom ko, at dahil madadaanan ko ang building nila Cielo ay sa pathway nila ako piniling dumaan upang... libutin ang school, nang makadaan ako sa room nila Mokong ay kaunti akong sumilip habang nag lalakad pa rin dahil hindi naman nakatakip ang mga blinds nila, isa pa, hindi naman nila pagsu-suspetyahan ang pagsilip ko kasi iisipin lang nilang nagc-check lang ako.
Nakita ko si Zeus na naglilinis ng whiteboard nila, akala ko puro pagbabasa lang ang alam nitong lalaking 'to. Nakita ko rin ang dalawa pang kaibigan niya na nakatungtong sa upuan at nagkukulitan.
Hindi ko nakita si Cielo... Okay lang, napadaan lang naman ako?
Pagkarating ko sa classroom ay saktong nagsimula na ang klase kaya hindi na rin kami nakapag usap pa nina Zavia at Ezlyn. Habang nagka-klase ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Aish... Hindi pa ba tuluyang nakalabas ang bagyo sa bansa namin? Ang sabi sa balita kahapon ay paalis na raw ito.
Pagpatak ng recess ay napagdesisyunan naming magkakaibigan na manatili na lang muna rito dahil nakakatamad pang lumabas dahil sa ulan, nakapatay na rin ang aircon dito sa classroom namin sa sobrang lamig na parang maninigas na ata kami at maya-maya ay maging yelo na lang.
Pero hindi ko mapigilan na tumingin sa cellphone ko, lalong-lalo na kung may notification sa Imessage. Lunch kasi ngayon... nagbabasakali na makalibre ako--- syempre para tipid na rin.
"What course you all going to get after highschool?"Tanong ni Zavia na balot na ng jacket na kulay pink, habang mayroon siyang suot sa leeg na parang unan na donut ang shape.
"Ako?! Ano... Barilan siguro?"Sabi ni Ezlyn sabay lingon sa akin at umakto na parang babarilin ako kaya hinawi ko ang kamay niya, magi-imagine na nga lang sa akin pa. "Yung may tungkol sa barilan, ang lupet kaya."Dagdag nito.
"Cops! Criminology will suit you, Ate Ezlyn. Pero why ka nag ABM if that's what you want?"Ani ni Zavia kaya agad na ngumiwi si Ezlyn na parang ayaw niya ito, hinampas pa nga niya ang desk niya at ginalaw-galaw ang hintuturo at sabay sabi ng 'no' nang ilang beses.
"Trip ko lang pero pulis?! No! I don't want to be a cop as most of them merely murder so that everyone can call them heroes, pinapatay nila 'yung mga mahihirap na tao at gagawan ng kwentong may ginawa silang masama para maging maganda ang image nila dahil nagawa nilang bawasan ang mga sakit kuno sa mundo. They only apply the laws to the wealthy people, and they only grant justice to the rich and powerful people; what about the poor and impoverished people?" Buong paliwanag ni Ezlyn na parang mayroon itong pinaghuhugutan na hindi namin malaman-laman, but yeah... may point siya.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...