"Galit ka pa rin ba sa'kin?"Tanong ko kay Cielo. Nakabalik na kami ng Pilipinas after 5 days, 5 days na ang lumipas simula nang aminin ko kay Cielo ang lahat pero simula noong araw na 'yon naging mailap kami ni Cielo nang kaunti pero nararamdaman ko pa rin naman na mahal niya ako, sadyang, something seems off a bit.
Iniintindi ko naman 'yon dahil hindi naman talaga madaling tanggapin ang lahat dahil ako nga, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa pagkamatay ng mga magiging anak sana namin.
At kani-kanina lang, pinapanood ko si Cielo na lumuha nang sobra habang nakaluhod sa sahig at yakap-yakap ang mga ash urn ng mga namatay naming mga sanggol, parang dinudurog ang puso ko hanggang sa maging pinong buhangin.
Yung tunog niya na nahihirapang huminga at mag salita habang kinakausap ang mga anak namin ang hindi ko kayang marinig pero hindi ko naman siya maaaring iwan para lang hindi iyon marinig.
Dahil noong mga panahon na nasa pwesto ako ni Cielo, hindi rin naman nila ako iniwan at pinakinggan din nila ang bawat pagluha ko para lang damayan ako, lalong-lalo na si JC.
"I'm mad at myself."Sagot niya habang nakatingin sa ultra-sound pictures na hawak-hawak niya ngayon. "Wala ka namang kasalanan..."
"Don't shoulder all the blame, Elish. I have some mistakes too..."Aniya nang hindi lumilingon sa akin, kaya naman lumingon na lang ako columbarium kung nasaan andoon pa rin ang niche ko at andoon pa rin ang urn ko na wala naman talagang laman dahil palabas lang ang pagkamatay ko.
"I can't help but wonder, Elishiana. If I'd been there during your pregnancies, would things have been different? Would our children still be with us? What would they be like? Maybe they'd be in third grade now, full of energy and laughter. Who would they resemble more, you or me?"Sunod-sunod niyang tanong na hindi ko naman masagot dahil tanong ko rin sa sarili ko 'yan, eh...
"Ilang taon ko rin tinatanong 'yan... at mukhang never naman na 'yon masasagot."Sabi ko at yumuko, tipid pa akong ngumiti. Panigurado ako na mas malakas ang dugo ni Cielo na dadaloy sa mga anak namin, maaaring mag mukha silang mistiza o mistizo.
"Pero naalala mo ba noong after ng pag dalaw mo sa pekeng lamay ko, nanaginip ka na nagpakita ako sa'yo? Naalala mo pa ba 'yon?"Tanong ko sa kaniya na nag patigil sa kaniya, ilang segundo akong tinitigan nito, hindi makapaniwala sa natuklasan.
"It was not a dream?"Tanong nito, marahan naman akong tumango na ikinayuko nito.
"T-Thank you for giving me the opportunity to hold them, even if it was brief. It means a lot to me."
"YOU need to go back,"Hindi ko nilingon si Mommy, nagpatuloy lang ako sa pagtitimpla ng kape para sa kaniya, binisita niya kami rito sa Pilipinas pero hindi ko alam kung ano ang pinaka-pakay niya kung bakit andito siya.
Wala siyang pasabi sa tuwing bumibisita siya, para siyang kabute na bigla-bigla na lang susulpot, na dapat ay nasa Korea lang siya at inaasikaso ang dapat niyang asikasuhin. Bumalik na ako sa dining area at ibinaba ang tasa sa harapan ni Mommy at saka ako naupo sa harapan niya. Hinigop niya ang kapeng ginawa ko bago niya muling ibalik ang tingin sa akin.
"It's time for your return to Korea. After my reign ends next week, the throne will be yours. Following that, your marriage to Gyeong Soo will----"Hindi natapos ni Mommy ang sinasabi niya nang ibaba ko ang tasang iniinuman ko ng kape, mariin akong nakatingin kay Mommy at saka ko ipinakita ang kaliwang kamay ko sa kaniya.
"Hindi ako magpapakasal sa kaniya."Sabi ko at napatingin na lang sa singsing na nasa daliri ko. Matapos ng nangyari sa'min ni Cielo na kumprontahan, natuloy pa rin ang kagustuhan namin na ma renew ang vows namin.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...