"Gud Mworning, Unnieeee..."
Lumingon ako kay Eli na bumababa ng hagdan habang inaalalayan siya ni JC, humihikab pa si Eli senyales na gusto pa niyang matulog, kahit ako ay gusto ko pang matulog dahil halos dalawang oras lang ang tulog ko ay gumising na rin ako agad.
Mas maaga akong gumising sa kanila dahil kinakailangan kong magluto ng umagahan, ganito lagi ang ginagawa ko, mapalad nalang talaga ako at hindi ako madaling dapuan ng sakit, kasi kung ganoon ang mangyayari ay baka si JC ang lahat na gumawa nito bagay na ayoko dahil ayokong maranasan niya ang naranasan ko bata pa lang ako.
"Anong oras mo na naman ba pinatulog si Eli?"Bungad ko ka agad kay JC nang makalapit sila sa akin, lumapit sa akin si JC at agad hinawakan ang ulo ko at tinignan iyon na parang mayroon siyang hinahanap.
"Wala ba sa utak mo Ate ang salitang 'Good morning pinakapoging nilalang'? Umagang-umaga, Ate. Sermon agad? "Reklamo ni JC sa akin at saka siya lumayo. Binuhat ni JC si Eli para maka-upo sa upuan dahil mataas ang upuan namin dito hindi pa kayang abutin ni Eli, umupo narin si JC kaya nag lagay ako ng baso sa harap nila at tinimplahan sila ng gatas, bawal pa kasi sa kanila ang kape.
"Mabait kaya ako, Ate! Pinatulog ko si Eli ng 8 p.m. katulad ng bilin mo, pero pagdating ng 10 p.m. nakakarinig ako ng bukas na TV, kinilabutan pa nga ako kasi 11 uwi mo so hindi ikaw yung nag bukas ng TV, pero syempre kaming mga pogi dapat hindi takot kaya bumaba ako at nakita ko si Eli na nanonood ng TV." Pagkwento ni JC sa akin habang hinahalo ko yung gatas nila, nilingon ko si Eli na nakayuko at hindi makatingin sa akin nang deretso. Gusto ko sana siyang pagsabihan kaso lang ay kakagising niya pa lang at alam kong wala siya sa wisyo niya.
"Sowri... Unnieee."
Pagkatapos namin kumain ay inasikaso ko na si Eli dahil umaayaw pa siyang ayaw niya pa maligo dahil sa lamig ng panahon pero wala siyang choice dahil kapag hindi siya kumilos ay mahuhuli kaming lahat sa pag pasok.
"Unnie.. cold."Niyakap ni Eli ang sarili niya dahil sa nararamdamang lamig kung kaya kinuha ko ang jacket niya at ipinasuot ito sa kaniya. Ang Nethilor ay malayo sa equator at naka pwesto sa bandang taas ng mundo kung kaya't natural lang na malamig dito, ngunit may panahon na umuulan naman pero madalas na snow ang umusbong dito.
Nang matapos kaming lahat sa paghahanda ng sarili ay pumunta na kaming skwelahan, lahat naman kami ay mayroong susi ng bahay kung kaya't nakakapasok kami kung sino ang mauunang umuwi, paminsan-minsan ay hindi ako pumapayag na umuwi si Eli mag-isa dahil iba na ang panahon ngayon. Una kaming dumeretso sa skwelahan ni Eli upang ihatid siya dahil iba ang school niya kumpara sa aming dalawa ni JC.
"Isa pa, Baby..."Hiling ni JC kay Eli na halikan siya nito muli sa pisnge na ginawa naman ni Eli bago siya kumaway-kaway nang papasok na siya sa room niya, paalis na sana kami nang tawagin ako ng teacher niya.
"Excuse, Ms Ramirez."
"Yes?"
"I'd want to speak with you for a moment about Elizabeth's behavior, which is quite disturbing for someone at her age."Sabi ng Adviser ni Eli na ikipinagtaka ko, nilingon ko si JC upang humingi sana ng tulong pero ang bwiset ay binigyan lang ako ng senyas na 'lagot ka' umirap ako sa kaniya at kinausap na ang teacher ni Eli.
"What about her actions?"Tanong ko.
"She enjoys making trouble at her age. She is not sociable, she enjoys ignoring---"Nagpatuloy ito sa papaliwanag, tiningnan ko lang nag teacher ni Eli dahil hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Si Eli? gagawa ng mga ganoon? Nakaramdam ako ng kaunting kahihiyan kung kaya't inilipat ko nalang ang paningin ko kay Eli na may kausap--- no, may katarayan na naman siyang classmate.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
Roman d'amourThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...