Chapter 12 TATVSW

70 4 0
                                    

Ngayong araw na ang pagdating ni Princess Delvaux sa university namin kung kaya't maaga akong pumasok, mas maaga pa sa nakasanayan ko. Nakapag-meeting na rin kami kahapon ng mga ka-members ko patungkol dito kasama ang head ng SSC.

"We still have two hours and thirty minutes to get everything ready for Princess Delvaux." Panimula ko nang makaupo ako sa pwesto ko rito sa loob ng meeting room namin, kinakailangan ulit namin mag briefing patungkol sa gagawin upang walang mangyaring tagilid. 

Nang matapos kami mag-usap-usap ay nagsimula na silang mag kwentuhan tungkol kay Princess Delvaux. "Nakita ko lang siya sa google pero maganda siya, kahit babae ako papatulan ko 'yan."Simula ni Xenia, ang committee chairperson.

"Pwede kaya magpa-picture sa kaniya?"Tanong ni Jacob habang hinahanda ang dala niyang camera, siya ang student council resporter namin.

"Sa tingin ko ay pwede naman... mabait naman siguro 'yon..."Sagot ko na ikinatango-tango nila, isang beses pa lang ako nakakita ng totoong prinsesa at iyon ay ang prinsesa sa bansa na 'to at masasabi ko na mabait naman siya, hindi nga lang siya friendly dahil tahimik siya.

Ano kaya ang pakiramdam na maging anak ng isang reyna? O hindi kaya Empress? Emperor? Hari?

"Nakakashakot, baka matalbugan ganda ko."Singit ni Chase na nagm-make up kung kaya't agad sumabat si Leo. "Ul*l! Barilin ka sana ng mga body guards do'n."

"Okay lang, fafa Leo. Kung pogi ang mga body guards na may malalaking baril, why not? Gusto ko na putukan nila ako para feeling heaven!"Bawi naman ni Chase habang nagi-imagine siya dahil nasa kisame na ang tingin niya.

"Sana nga, paputukan ka nila ng bala deretso sa puso mo para literal na mapupunta ka sa heaven."Huling pang-aasar ni Leo bago ko sila awatin dahil kanina pa tumatawa ang mga kasama namin dito at baka hindi na kami makabalik sa mga kinakailangan naming gawin.

Saglit na muna akong nagpaalam sa kanila dahil may pupuntahan lang ako sa room, kaunti na lang naman ang kinakailangan naming ayusin kaya hindi naman kami gahol sa oras, babalik na lang siguro ako maya-maya.

Hanggang ngayon ay iniisip ko ang patungkol sa babaeng gray ang buhok, 80% sure ako na ang nakita namin ni Eli ay pareho lang dahil nasa iisang mall lang naman kami, eh, pero ang bilis niya kumilos dahil matapos niyang magpakita kay Eli ay nagkita na kami agad sa restroom.

May balak kaya siyang kuhain si Eli? Kasi iniisip ko na 'yung mga binigay niyang teddy bear at candy kay Eli ay para makuha ang loob nito, kaya nga hindi ko na rin pinakain kay Eli ang mga candy na nakuha niya. 

Nakailang malalim na buntong hininga ako nang matauhan ako dahil sa may narinig akong nag-salita. "Lost in thought, or lost at sea? Need a life vest?"

Hindi ko nilingon si Mokong at nagsimula na akong maglakad papalayo sa kaniya dahil sa tuwing malapit siya sa akin ay minamalas ako. "Tignan mo 'to... Kinakausap tapos lalayasan ka. Geez! Bastos!"Reklamo niya na ikinahinto ko.

'Nakahubad ba ako?' Tanong ko sa sarili ko gamit ang isip ko habang pinagmamasdan ang katawan ko. Nilingon ko siya at tinanong. "May kailangan ka ba sa'kin?"

"Yes,"Tipid na sagot niya at saka siya naglakad papalapit sa akin na ikina-atras ko.. "Ano na naman?"

"How did you end up with my phone number?"Tanong niya, ang akala ko naman ay may kabuluhan ang ite-text niya. Hindi ko na nga siya ni-reply-yan nang itanong niya sa'kin 'yan tapos itatanong na naman niya ulit. 

Hindi talaga siya makaramdam na ayaw ko siyang kausap, ah?

"Binigay sa'kin ni Zeus."Deretsong sagot ko, nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha niya at itinaas na lang ang kaliwang kilay. "So you guys are chatmates, huh?"Tanong niya.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon