Chapter 58 TATVSW

36 0 0
                                    

"ALAM mo ba Ate kung saan akong hospital dito sa Korea ipinanganak?"Tanong ni JC.

Nasa kusina kami ngayon, dito sa suite namin, nagluluto ng pagkain na binili namin sa convenience store kaninang umaga nang gumala kami. Ngayon na lang ata kami nag madaling-araw snack dahil lagi ko nga silang pinatutulog nila JC nang maaga, lalo na kapag may pasok kinabukasan kaya hindi na namin masyadong nagagawa ang mga ganito. 

Pang 9th day na namin 'to ngayon at sa isang araw din ay uuwi na kami, sobrang dami na naming napuntahang lugar dito sa Korea pero until now ay wala pa rin akong kaid-idea kung nasaan ang mga magulang ni mommy, tsk, para bang pumunta lang ako dito para hanapin sila. 

Pinuntahan na namin ang lahat ng historical places dito dahil nagbabasakali ako na isa sa mga lugar na 'yon ay ang lugar kung saan namalagi ang mga namuno na mga kanuno-nunuan ko, pwede ko magamit iyon bilang maging lead ko kung nasaan sila ngayon. Pero wala... lahat 'yon ay puro for visiting places to cherish na lang. 

Sinubukan ko na mag search at pumasok sa iba't ibang webs para lang malaman ang lugar nila pero walang bakas nila ang natagpuan ko... nawawalan na ako ng pag-asa. The only hope that i have ay ang humingi ng tulong kay dad at kuya ngunit baka pag ginawa ko iyon, baka akalain nila na handa na akong sumunod kay mommy sa trono niya--- hindi sa langit ah...  

"Hindi ka naman ipinanganak sa hospital."Sagot ko sa tanong niya at saka ko isinalin ang noodle sa colander para tanggalin ang tubig, at saka ko inilagay ang noodles sa bowl at si JC na ang bahala mag lagay ng mga seasonings. "eh? Saan pala, Ate? Kung saan lang nadatnan si mama?"Tanong niya.  

Sa aming tatlo, si Eli lang ang ipinanganak sa Hospital at sa Pilipinas pa 'yon, habang kami ni JC ay alam ko ay ipinanganak kami sa tinutuluyan namin dito sa Korea noon na hindi ko na nga alam kung nasaan. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong rason, pero siguro ay dahil hindi nga sila maaaring lumabas at makita sa publiko, lalo na at si mommy na ata ang susunod sa trono no'n or dahil... isang kahihiyan ang pinasok ni mommy? Nabuntis siya ng taong hindi naman ang nararapat magpakasal sa kaniya? kaya hindi nila kayang dalhin sa Hospital si Mommy noong mga panahon na hindi pa kami napapalayas?

Kung tutuusin kasi, isa rin iyong kataksilan dahil malaking magkaaway ang side ni mommy at ni daddy tapos biglang nag-isa nang wala man lang totoong pagkakaayos sa magkabilang panig. 

Pero ang tanong ko... natuloy kaya ang pag-upo ni mommy bilang tagapagmuno noong nasa sinapupunan pa lang ako ni mommy? Or hindi kasi nga iba ang pinatulan ni mommy?

Pero noon kayang tinakwil na kami ay iyon na rin ang sign na hindi na si mommy ang mamumuno, like bumaba na siya o hindi naman talaga siya natuluyang namuno?  Ugh! Hindi ko alam! Ito ang rason kung bakit gustong-gusto ko makita ang magulang ni mommy. 

"Sa gilid ng basurahan lang, na infection ka nga no'n, eh. Tingnan mo tuloy mukha mo, mukhang bacteria."

"Magkamukha lang tayo, Ate. Kung mukha akong bacteria! Ganoon ka rin!"Singhal niya.


KINABUKASAN ay nagtungo na kami sa Myeong-dong upang mag final shopping dahil bukas ay magpapahinga kami buong araw bago kami umuwi. 

Ang unang pinuntahan namin dito sa Myeong-dong ay ang store na Aland, suggestion ito ni JC, ang sabi kasi ni daddy ay pupuntahan namin ang anong gusto namin shopping store, at dahil wala pa namang alam si Eli sa lugar dito, at wala akong hilig sa shopping, si JC ka agad ang nanguna sa pag suggest. 

"Mahiya ka naman, JC."Bulong ko rito.

"Para saan, Ate? Kulang pa 'to sa mga sustento na dapat binigay niya."Aniya at nag patulyo sa pagtingin-tingin ng mga damit.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon