Epilogue

22 2 0
                                    

Cielo's POV

His father had requested a talk, so I made my way to the appointed location. Upon arrival, I greeted him with a respectful nod and a warm smile before taking a seat in the chair directly facing him. "Hi, sir. Why did you want to talk to me?"

"Ano ang totoong rason bakit ka nasa tabi ng anak ko?"He asked, and suddenly I felt a wave of nervousness wash over me. "I want your daughter... I like your daughter."

"Kung totoo man 'yang nararamdaman mo, umalis ka na hanggat hindi pa malalim ang nararamdaman mo para sa anak ko at habang maaga pa dahil pagsisisihan mo rin sa huli ang desisyon mong 'yan."His tone made me feel threatened. I wondered if this was because of Elish's true nature, but I've already accepted her for who she is... or this is about that love curse? 

"I don't understand your concern. If Elishiana is destined to become the next empress, what's wrong with that? My feelings for her aren't based on her royal status. I liked her before I even knew she was next on the throne."I explained. 

"Hindi iyon ang pinupunto ko, Hijo. Alam kong mabait kang bata at hindi mo magagawang mag take advantage sa anak ko, pero kahit anong pagmamahalan niyong dalawa, hindi kayo maaaring magkatuluyan ng anak ko."I furrowed my brow. So this is about that love curse, is it?

"Pag tungtong niya ng 18, aalis na siya at kinakailangan na niyang sumunod sa Korea para mag ensayo... pag naupo na siya, may itatakdang lalaki na ikakasal sa anak ko---"

"---at hindi ikaw 'yon."


3rd Person's POV

Kasalukuyang nag-aayos ng mga papeles na nasa table ang asawa ni Tristan nang mayroon itong madanggi na isang maliit at clear glass na bote, tumapon ang laman nitong puting likido kaya naman dali-dali siyang kumuha ng tissue at pinunasan ito, pasalamat na lang at walang nabasang kahit na anong papel. 

Matapos ay inamoy niya ang maliit na bote na nadanggi niya, amoy alcohol ito, hindi alak, literal na alcohol kaya naman kumuha siya ng alcohol at nilagay ito sa maliit na bote upang hindi malaman ng asawa na natapon ito, at dahil sa pagkataranta niya ay hindi na niya nabasa pa ang nakasulat sa maliit na bote.

Muli niyang ginulo ang mga papel na nasa table upang hindi siya mapaghinalaan ng asawa na may nangyari, at saka na siya umalis ng kwarto nila. 

Lumipas ang ilang linggo, habang naglilinis sa isang sulok ang isang kasambahay, nakarinig ito ng malakas na sigaw ng babae, sumilip siya at nakita ang amo niyang lalaki, si Tristan na kausap ang nobya ng anak nitong panganay, si Cielo.

Dahil medyo malayo siya sa kanila ay hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito hanggang sa nanlaki ang mga mata niya nang makitang binuhat ni Tristan ang nobya ni Cielo na para bang isa itong sako ng bigas at dinala sa opisina nito. 

Makaraan pa ang ilang minuto ay lumabas na ang amo ay agad niyang binitawan ang mga panlinis niya at patagong nag tungo sa opisina ng amo kahit na ipinagbabawal na mayroong pumasok dito na kahit sino. 

Pagkapasok niya ay nagulantang siya nang makita niyang nakabukas ang isang bookshelves, mayroon pa palang kwarto rito, doon niya nakita si Elishiana na mukha ng lantang gulay. Hindi ito nag dalawang isip na tulungan ang dalaga. 

"H-Hindi mo ako p-pwedeng tulungan, mapapahamak--- mapapahamak ka."Nahihirapang sambit nito sa kasambahay ngunit umiling-iling ito. "Ayos lang po ako,"

Nang tuluyan na silang makalabas ay agad nang bumitaw si Elishiana mula sa pagkakaalalay sa kaniya ng kasambahay. "Kaya ko na ang sarili ko, maraming salamat. Mag-iingat ka..."Anito, hindi tunog pagpapasalamat, tunog nagbibigay babala.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon