"Baby? Dangsin-ui eomeonineun yeogi."(Anak? Nandirito si Mama.) Dahan-dahang bumangon si Elishiana mula sa pagkakahiga nito sa kama, nang imulat niya ang mata niya ay pinagmasdan nito ang paligid niya dahil tila ba bumalik ito sa kwarto niya noong mga bata pa lamang siya, nang lumingon siya sa paanana ng kama niya ay nakita niya ang Mommy niyang nakaupo dito at nakangiti sa kaniya, dahilan upang magising ang kaniyang diwa at sumilay ang kaniyang ngiti sa mga labi.
"Mommy?! Ikaw ba 'yan?"Saad ni Elishiana at dali-daling pumunta palapit sa mommy niya, hindi magawang yakapin ni Elishiana ang mommy nito dahil pinagmamasdan niya lang kung gaano kaaliwalas, kasaya at kaganda ang mukha ng nanay niya na masasabi niyang may malaking pagkakahawig sa kaniya.
"Geulae, wae naleul deo isang moleuneun geos gatni? hahaha. Jal jinaeseyo?"(Oo, bakit parang hindi mo na ako natatandaan? Hahaha, Kumusta ka naman?) Tumango ang mommy nito, Inihilig ni Elishiana ang kaniyang ulo at pinagmasdan ang ina, hindi nito maintindihan kung papaano niya naiintindihan ang lenggwaheng sinasabi ng kaniyang mommy sa kabila ng katotohanan na hindi siya bihasa sa lenggwaheng ito ngunit ibinalik na lang niya ang kaniyang mga ngiti.
"M-mommy... i miss you."Tumulo ang luha ni Elishiana kung kaya't agad hinawakan ng mommy niya ang kamay nito at marahang pinisil, agad yumakap si Elishiana at dinama ang presensya ng isang nanay na waltong taon na niyang hinihiling na maramdaman muli.
"I missed all of you... So much."Bulong ng mommy ni Elishiana at marahang hinagod ang likuran ni Elishiana upang tumahan ito sa pag-iyak, agad napatingin si Elishiana sa kamay niya at agad naguluhan kung kaya agad itong humiwalay mula sa pagkakayakap sa mommy niya at sinuri ang katawan.
"B-Bumalik ako sa pagkabata?"Naguguluhang tanong ni Elishiana, binukas-sarado nito ang mga palad na maliliit pa lamang upang siguraduhing ang nakikita niya, hinawakan niya ang pisnge niya na sobrang taba kaysa sa pisnge niya ngayong dalaga na siya, dito niya napagtanto na nasa katawan siya ng walong taong gulang na pagkatao niya.
"M-Mommy... H-Huwag mo na akong iwan, Please? S-Sama ako... Ako sama sa 'yo, Mommy... isama mo na ako."Hindi na mapigilan ni Elishiana ang pagbuhos ng kaniyang iyak na mas lalo pang lumalala, sinusubukan namang punasan ng mommy niya ang mga luha niyang nagsisibagsakan.
"You won't be able to follow me since your siblings still need you. Although I don't want to leave you, I can't do anything because my life has ended, so I want you to take care of yours. You know what, baby? There are much more positive things I want you to witness, I know you are going through a terrible time, but I am optimistic that you will be able to handle everything, I am sure everything will be fine and I will always watch over you all. For now, Baby--- I am sorry..."Mahabang sabi ng mommy ni Elishiana at agad hinalikan si Elishiana sa noo at binigyan pa muli ng isang mahigpit na yakap. Nang imulat ni Elishiana ang mga mata niya ay wala na siyang kayakap ngunit nananatili pa rin siya sa kwarto niya noong bata pa siya.
Lumingon siya sa bukas na pintuan ng kwarto niya nang marinig niya ang masayang tawanan sa ibaba, agad siyang bumaba mula sa kama at lumabas, humakbang siya ng ilang beses sa hagdan pababa kung kaya't nakita niya ang mga magulang niya, nakikita rin niya ang maliit na sarili niya at ang apat na taong gulang na si Jayden Calvin, masaya silang nag-uusap habang hinehele ng nanay nila ang bagong panganak na sanggol na si Elizabeth.
Nagulat si Elishiana nang biglang may humawak sa balikat niya, lumingon siya at nakita ang isang batang lalaki na sa tingin niya ay kasing-edad niya lang ngunit matangkad ito sa kaniya onti.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...