[I'm sorry... Napuno lang talaga ako.]Hating gabi na at kani-kanina lang ako umuwi galing sa trabaho ko sa restaurant, hindi na ako nag pahatid kay Cielo dahil sa nangyari kanina na hindi ko inasahan na kaya niya pa lang gawin. At ngayon, nasa loob ako ng kwarto at kausap siya sa cellphone.
"Pero hindi pa rin tama ang ginawa mo, babae si Zyra, kumpara sa'yo ay mahina siya. Hindi pa rin sapat na dahilan ang galit mo upang saktan mo siya nang ganoon, nakita mo ba ang katawan ni Zyra sa katawan mo? Aish! dapat ay kinausap mo na lang. Kulang na lang tapusin mo na 'yung tao."Pagsesermon ko dito habang inaalala ang mga nangyari kanina, hindi namin sila naririnig sa loob nang magsigawan sila dahil nakarado an ang sliding door pero naikwento sa akin ang nangyari. Medyo na disappoint ako sa part na 'yon sa kaniya, hindi ko inaakala na kaya niyang gawin sa babae 'yon, minahal pa man din niya si Zyra noon.
"Tingnan mo tuloy, sa lunes ay may issue na naman..."Dagdag ko pa nang hindi na siya magsalita, siguro ay napagtanto na niya na mali talaga ang ginawa niya. Dahil din sa nangyari kanina ay hindi na natuloy ang pagpunta namin sa 20 universities para sa foundation day.
Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ang lakas ng sampal ni Zyra sa kin na tila ba hanggang ngayon ay nasa pisnge ko pa rin ang kamay niya. Hindi ako nag salita that time, hindi ko siya sinugod at ginantihan pabalik dahil lalong lalala ang away, at wala pa rin naman akong lakas ng loob na gawin iyon, masyado pa akong mahina. Lalo na't ngayon na mas naging mainit ang away sa pagitan naming dalawa. Aware ako na hindi pa dito natatapos 'yon.
[After all, that's nothing in comparison to what she caused to you...]Dahilan niya matapos niyang manahimik nang matagal, napairap na lang ako dahil sa katigasan ng ulo niya. Ayaw niya talagang magpatalo at gusto niya ay lumabas na ayos lang ang ginawa niya.
"Then let me give the honorable thing she deserves... Hindi kayo."Sabi ko nang madiin para maintindihan niya ang pinupunto ko.
[Fine... Nanalo ka na.]Pag suko niya, hindi naman ako nakikipag talo sa kaniya, ah? Sinasabi ko lang ang mali niya, dahil kung sa'kin man ginawa ang ginawa niya kay Zyra, panigurado na ang opinyon ko sa ginawa niya ay parehas lang sa magiging opinyon niya.
"Matulog ka na nga lang... Bukas na lang natin pag-usapan 'to."Sabi ko rito nang mawalan na ako ng topic na pag-uusapan namin. At saka, siya naman ang tumawag sa akin at hindi ako. Kinagagalitan niya pa nga ako kanina bakit ko raw siya tinakasan ulit at hindi niya ako naihatid at sundo.
[I can't... Pwede ba na mag-usap muna tayo? Please?]Napalunok ako nang bigla na lang naging malambing ang boses niya, parang bata na gusto magpakarga sa nanay. Sasagot na sana ako kaso bigla niyang pinatay ang call. Eh?!! Siraulo 'to, ah... Akala ko ba gusto niya ako kausapin? Tapos pinatayan ako?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at nag tungo sa baba upang mag timpla ng kape dahil gusto ko na makatulog, ang gulo hindi ba? Ang kape ay dapat nagpapagising sa'kin, pero hindi, eh... Kapag umiinom ako ng kape ay mas inaantok pa ako.
Habang humihigop ng kape ay may narinig akong kotse sa labas, sumilip pa ako sa bintana pero hindi ko makita ang kotse dahil sa gate namin kaya umupo na lang ulit ako pero agad namang tumunog ang phone ko.
"Oh? Bakit na naman?"Tanong ko kay Cielo nang sagutin ko ang tawag niya, pinatay niya kanina ta's ngayon tatawag-tawag siya? [Get out, I'm getting cold here.]Ani niya dahilan upang mapatayo ako at matapon ang kape sa legs ko.
Anak ng Fuchsia... Kotse niya ang narinig ko kanina?! Ano naman ang ginagawa niya rito?
Agad ko pinatay ang call at kumuha ng tissue upang punasan ang kape na natapon sa akin. Pag katapos ay agad akong lumabas ng bahay upang lumabas, at hindi nga siya nagbibiro dahil andito siya sa labas ng bahay namin, nakasandal lang sa kotse niya at nakatingin sa way ko pero sa baba--- Manyak talaga. "Huwag mo nga tignan legs ko!"Sigaw ko rito.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomantikThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...