"What do you want to ride first?" Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon para ipasyal si Adelaine, ito rin ang graduation gift ko sa kaniya dahil hindi naman siya materialistic na tao, mas gusto niya ang makipag quality time kaysa mabigyan ng regalo.
Ito na rin siguro ang 9th wedding anniversary celebration namin ni Cielo dahil nga hinahabol niya ang date bago ang 10th wedding anniversary namin, eh next week na 'yon kaya wala na kaming time para mag out of the country pa para lang ma celebrate ang 9th wedding anniversary namin.
"Rialto!"Sagot ni Adelaine kaya naman ito ka agad ang pinuntahan namin, maaga pa naman at mayroon kaming magic cards na in-avail para mas ma enjoy namin ang pasyal namin dito at hindi masayang ang oras namin kakahintay sa pila.
"NAHILO naman ako doon..."Reklamo ko nang makalabas kami pero sapat lang ang boses ko na ako lang ang makakarinig, habang ang dalawa ay tuwang-tuwa pa rin ngayon lalo na kapag tinitignan nila ang picture namin. Ngayon lang ako nakasubok sa Rialto, medyo nabasa pa ako dahil maypa bubbles sila sa loob.
Sinunod naming sakyan ay ang stone eggs pero ako na muna ang sumama kay Adelaine dahil dalawa lang ang kasya sa loob kaya naman si Cielo ang nagp-picture at video sa aming dalawa.
"Ay anak ko!"Kinakabahang sabi ko nang subukan niyang tumayo kaya naman gumalaw ang sinasakyan namin, tumawa siya at saka naupo na sa tabi ko. "Don't do that again, anak."Kalmadong sabi ko rito.
Panay kaway si Adelaine sa mga tao kahit hindi naman niya kilala, panay din siya tawag kay Cielo kaya naman itong si Cielo ay tinatawag din si Adelaine, sa totoo lang, silang dalawa lang ang maingay dito.
Ang sunod naman na sinakyan ay ang Up Up and Away, si Cielo naman ang sumama kay Adelaine kaya ako na ang naging taga-picture at video, pero minsan ay parang gusto ko na lang ibaba ang cellphone dahil nahihiya ako sa pagiging OA ng dalawa, paano ba naman, sumisigaw sila at nakataas pa ang mga kamay na akala mo naman ay extreme rides ang sinasakyan.
"Hahaha! That was actually fun!"Sabi ni Cielo nang makalabas na sila, buhat-buhat niya ngayon si Adelaine na nakabungisngis na ngayon. Kinuha ko ang towel sa bag ko at saka pinunasan ang pawis ni Adelaine dahil tagaktak na talaga ito. "Thank you, mommy."
"How about me?"Tanong ni Cielo nang ibabalik ko na ang towel kaya naman napairap pa ako bago ko siya punasan, inayos ko pa ang buhok niyang nagulo na. Napaka-inggitero talaga... "Thank you, love."
"Isang ride na lang muna then rest muna, okay?"Tanong ko kay Adelaine at tumango naman ito bago kami mag tungo sa Bump and Splash, siya na lang ang sasakay ngayon at okay lang naman sa kaniya, isa pa, one seater lang din kasi kaya panonoorin na lang namin siya ni Cielo.
"Nadala mo ba extra clothes niya?"Tanong ko kay Cielo habang pinapanood si Adelaine dahil nababasa na ito ng tubig. "Yes, wife."
Ang balak talaga ni Adelaine ay ihuli ang pag sakay ng Bump and Splash ngunit hindi ako pumayag dahil paniguradong gabi na iyon at baka magkasakit lang siya kapag nagbasa pa siya ng gabi, malamig pa naman ang panahon dahil tag-ulan na ngayong month.
"So this is how it feel like having a kid..."Bulong niya kaya naman napatingin ako sa kaniya na pinapanood pa rin si Adelaine na nag sasaya, parang biglang may tumusok sa dibdib ko nang marinig iyon, kahit ano pa lang saya naming dalawa hindi pa rin ako makatakas sa katotohanan na pinagkaitan ko siya ng anak, kaya pakiramdam ko, wala akong karapatan para masaktan dahil kasalanan ko naman kung bakit sila nawala, hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan hindi sisihin ang sarili ko sa mga nangyari sa mga magiging anak sana namin.
MARAMI pa kaming sinakyan at pinuntahan sa loob ng Enchanted Kingdom, katulad na lang ng Bumbling Boulders, Boulderville Express, Grand Carousel, Swan Lake, at air Petrodactyl. Kumain din kami ng kung ano-anong ituro ni Adelaine pero in the end ay kami ang umuubos kaya pag bibili siya ay isa lang ang binibili namin dahil alam na namin na hindi niya ito mauubos.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...