Chapter 32 TATVSW

46 3 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas at ngayon, lahat ng mga students ay busy sa paggawa ng kanya-kanyang booth dahil bukas na ang foundation day, lahat ay excited, lalo na't maraming mga ibang students galing sa ibang universities ang pupunta rito.

Dalawang booth ang gagawin namin ngayon pero isa pa lang ang nasisimulan namin, habang ang iba ay halos patapos na, at dahil binabantayan naming lahat ang booth namin, maraming mga students na dito magpapalipas ng gabi para mabantayan ang kanya-kanyang booth dahil baka mayroong pandadaya ang mangyari, lalo na at may award ang mga booth na ito. 

Ang foundation day namin ay gaganapin for 3 days, so open ang University starting 9 am to 6pm on Friday, Saturday at Sunday.

"Nakaka-excite sana yung marriage booth kaso wala akong partner."Sambit ni Ezlyn dahil ang marriage booth ay halos kalapit lang ng booth namin. For sure ay maraming tao sa booth na 'yon, habang kami ay taga 'when' na lang siguro, pero hindi naman ako mahilig sa mga ganyan, pipiliin ko na lang siguro manatili sa horror booth.

"Me! I can be your partner! Me! Me!"Sabi ni Zavia kay Ezlyn habang natalon pa ito sa tuwa. "G-ga! Baka magka-gulpihan pa kami ng James mo."Sagot nito kay Zavia.


THREE PM na nang matapos namin ang dalawang booth namin, at dahil tapos na kami ay magch-check na muna ako ng mga booths ng iba, dala-dala ko naman ang mga listahan ng grade level at booth nila. Makiki-echapwera lang ako.

Nakakatuwa tingnan ang mga booth dahil ang colorful, maliban sa horror booth. Anyway, lahat ng booth ay iba-iba, so far, wala pa namang nagkapareho na booth, which is good. Atsaka, minake sure rin namin na walang magkakaparehas.

Nang madaanan ko ang booth nila Cielo ay agad akong binati ng mga kaibigan ni Cielo na sila Zion at James kaya ngumiti rin ako pabalik. Hindi ko nakita si Cielo kaya hindi rin ako nag tagal sa booth nila.

Naalala ko tuloy ang pag-amin ko kay Cielo, wala naman talaga akong balak sabihin sa kaniya 'yon pero dahil nahuli na nga, ano pa at tumanggi ako? Lalo na at malinaw na malinaw ang narinig niyang usapan namin nila Ezlyn sa gymnasium.

After tuloy na malaman niya na gusto ko rin siya para siyang aso na sunod nang sunod sa akin kahit saan ako mag punta. Para rin naman siyang linta dahil kahit anong paalis ko sa kaniya ay nakadikit na siya sa akin. Napapadalas na rin ang pagiging maharot niya. 

Ang loko, tuwang-tuwa noong araw na 'yon, kulang na lang ay magpa-party siya sa bahay niya. Naalala ko pa na pinapunta niya ang mga kaibigan niya sa park kung nasaan kami at sinabi niya na same na kami ng feelings sa isa't isa. Hindi naman kalala ang feelings ko sa kaniya, at may possibilities na mawala 'to lalo na kung masakal ako kay Cielo sa pagiging clingy niya.


AFTER ko mag check ng mga booth ay tumambay muna ako sa rooftop ng building namin, ako lang ang mag isa rito sa taas dahil wala naman akong sinama na iba, mahangin dito at kitang-kita ko ang mga tao sa baba na busy.

"Not you getting drowned by your thoughts." Napalingon ako nang mayroong magsalita sa likuran ko, and it was Zeus. Nag lakad siya palapit sa akin at dumungaw din sa baba. "Mind to share?"Tanong niya pa. Anong ginagawa niya rito sa building ng ABM?

"How does it feel to be in love? And paano mo nalaman?"Tanong ko rito nang hindi siya nililingon. 7 weeks nang hiwalay si Zyra at Cielo, hindi ko alam kung itutuloy ko ba itong feelings ko kay Cielo or kailangan ko na tumigil. Dahil sa huli ay baka nga maging panakip butas na lang ako.

"That was deep... But yeah, I fell in love too, how did I know? By juxtaposition."Sagot niya kaya lumingon ako sa kaniya, deretso lang ang tingin niya sa baba habang nakasandal ang dalawang kamay sa railings dito.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon