Chapter Ten TATVSW

69 4 0
                                    

Lumabas na ako ng office dahil hindi ko maatim na makinig sa usapan ng iba, ang akala ko ay magiging masaya dahil makakarinig ako ng chismis pero hindi ko pala kaya, lalo na at pakiramdam ko ay naiilang si Cielo na andoon ako sa loob na dapat nga isawalang bahala ko kasi pwede ko gamitin sa kaniya ang mga narinig ko para asarin siya pero konsensya ko na lang talaga ang nagsasabing umalis na ako.

Pagkalabas ko naman ay naabutan ko ang mga kaibigan ni Cielo at mga kaibigan ko na nag aantay. "Ginagawa niyo rito?"

"Andito si pard ko, eh." - Zion

"Syempre, chance na 'to na makita si Zavi--Aray! Si Cielo."Hinampas pa ni Zion si James pero alam ko naman ang gusto nitong sabihin.

"You're here,"Napalingon ako kay Zeus, halos pabulong lang ito pero narinig naming lahat kaya ang mga mata namin ay napunta kay Zeus. "C-Can we talk?"

"Ako?"Turo ko sa sarili ko, tumango siya. 

"Uh... S-Sige..."Sagot ko na lang na para bang hindi ako sigurado. Naunang nag lakad si Zeus kaya naman sinundan ko ito, nilingon ko pa ang mga kaibigan ko upang tanungin sana kung anong mayroon pero nag kibit balikat lang sila. Shocks?! Ipaghihiganti niya kaya si Cielo? Katapusan ko na ba ito?


NATAPOS na ang saglit na usap namin ni Zeus na nagbigay ng malaking katanungan sa akin, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin, dumagdag na naman tuloy ang isipin ko.

Nilingon ko si Zeus na nahuli kong kanina pa pala nakatingin sa akin, ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin sa'kin hanggang sa ako na lang ang umiwas dahil sa pagka-ilang.  

"Huy!"Napapikit ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko, nang lumingon ako ay nakita ko si JC na abot tainga ang ngiti dahil nag tagumpay siya sa kalokohan niyang gulatin ako. Bwisit talaga 'tong batang 'to.

"Bakit andito ka rin?"Tanong ko sa kaniya at saka ko tinignan ang oras, alas-quatro na pala, halos tatlong oras na ang lumipas? Tsk! "Tapos na klase namin, te, tapos wala rin kaming practice sa theatre."Aniya.

Lahat kami ay napatingin sa sliding door ng Dean's office nang bumukas ito, lalabas na sana si Cielo nang napatigil siya at doon namin narinig ang sinabi ni Dean."You have to end your relationship with her before your parents found out."

Dahil sa narinig ay nag karoon ng katahimikan sa aming lahat, sinarado na ni Cielo ang sliding door at naupo sa upuan na andito sa labas. "Gutom ka na ba? Tara kain tayo, hindi pa ako nakakapag lunch, eh."Sabi ko kay JC para lang mabasag ang katahimikan.

"Libre mo ba ako?"Tanong niya, tumango na lang ako. Lagi ko naman siyang nililibre dahil lahat ng pera na ginagastos niya ay galing din naman sa akin kaya wala ng bago. 

"Kakain na kayo? Kakain din kami, so... can we come?"Pagsingit ni Zion kaya tumango nalang ako dahil matagal na niya akong kinukulit na makasabay kumain, hindi ko naman gusto na ako lang mag-isa, mai-issue mga tao ngayon. 

"Wait! What!? No!"Rinig kong angal ni mokong pero hindi ko na ito pinansin pa at nag tuloy-tuloy na lang na naglakad, pwede naman siyang hindi sumama, isa pa, hindi ko rin naman siya gustong makasabay. 

Pero kung sasabay siya, baka pwede na rin iyon maging way para magka-ayos kami kahit na hindi ko pa rin tanggap ang mga pinagsasabi niya sa akin at mga naidulot sa'kin ng ginawa niya dahil utang na loob, ayoko ng gumawa pa ng gulo. 

"Bakit!? Kakain lang naman eh! Gutom na rin kami."Rinig ko na sagot ni Zion kay mokong.  "Edi kayo nalang. sasama naman kayo James at Zeus sa 'kin 'di ba?"Rinig ko na tanong ni Cielo, kahit nakakalayo na kami ay naririnig ko pa rin ang boses nila sa lakas.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon