"Iri," (Here,) Mayroong inabot sa'kin si mommy na kinuha ko naman, isa itong earpiece kaya dali-dali ko itong isinuot at itinago ito gamit ang buhok ko. Tinap pa ni mommy ang tainga niya, senyales na mayroon din siyang suot bago siya tumayo at lumisan na.
Mabuti naman at na hack na nila ang signal dito kaya maaari na kaming makapag communicate ni mommy at ng mga tauhan ko sa mga gagawin namin. Mabuti nga't nagkita ka agad si mommy at ang mga tauhan ko dahil kung hindi ay hindi ko alam kung ano na ang mangyayari dahil baka mamaya ay itakas nila ako rito.
[Fiducia on track. Acknowledging transmission from Serpent VI. Standing by for further instructions.]Narinig ko ang boses ni Fudicia sa earpiece, ang kanang kamay ko. Tumikhim lang ako bilang sagot na alam kong naintindihan nila dahil mahirap na kung mag salita ako in words at baka mayroong makarinig at pag hinalaan pa ako na mayroon akong plano.
[Message received and understood. And by the way, Ceruleanix. According to soldiers, your extraction from jail will occur tomorrow night. Be prepared for transport to the King's location.]Pagbabalita nito kaya napatango-tango na lang ako sa sarili ko.
Bukas na, sana matapos na bukas.
NAGISING ako mula sa pagkakatulog ko dahil sa malakas na tunog ng bakal, bumalik na ang isa sa dalawang lalaking na siyang nag pasok din sa'kin dito sa kulungan, habang ang isa nitong kasama ay hindi ko makilala dahil may takip ang mukha nito. Pinilit nila akong patayuin kahit na nahihilo pa ako at wala pa ako sa tamang wisyo. Muli nilang tinakpan ang mga mata at bibig ko at saka na ako dinala sa kung saan.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay pinasakay nila ako sa isang sasakyan hanggang sa nakababa na kami, may mga takip pa rin ang mga mata at bibig ko kaya hindi ko alam kung saan na ako nakarating.
"Maluwag ang pagkakatali ko."Bulong sa'kin ng isang lalaki na nag dala sa'kin dito, siya yung lalaki na pumalit sa isang lalaki na nag dala sa'kin sa kulungan kahapon. Hindi ko man makilala ang boses ay panigurado akong tauhan ko ito.
Tinanggal na rin ang telang nakatali sa bibig at mga mata ko kaya tuluyan ko ng nakita kung nasaan ako ngayon. Nasa isang malaking palasyo ako ngayon kung saan ang nag bibigay liwanag lang sa kapaligiran ay ang ilaw ng buwan na tumatagos sa mga bintana, at ang mga iilang kandila na bukas.
Ilang minuto pa, mula sa isang madilim na sulok ay mayroong lumabas, isa itong matangkad na lalaki na kung ibabase ko ay nasa edad lete 40s na, at tulad ng isang suot ng hari ay ganoon din ang suot nito.
Lumapit ito sa'kin na mayroong ngisi sa mga labi, nang nasa harapan ko na siya ay idinampi niya ang kamay niya sa pisnge ko. "Presentia Tua Tandem Coram Me Es"(you're finally here in front of me.)Anito.
"This gibberish is getting me nowhere! Spit it out in plain English before I lose my damn mind."Iritang sabi ko dahil hindi ko siya maintindihan, hindi ko rin mapigilan ang inis ko dahil bumalik lang sa isip ko ang ginawa niya sa kapatid ko. Itong matandang lalaking nasa harapan ko, siya ang sumira ng buong pagkatao ko.
"Threatening... as you wish."Sagot nito nang hindi tinatanggal ang kamay sa pisnge ko kaya naman tinagilid ko na ang pisnge ko upang maalis niya ang pagkakadampi ng kamay niya rito.
"The truth can be a real burden, can't it? Especially when it comes to the reason you're in this mess."Dagdag pa nito habang ang mga mata nito ay nasa akin pa rin, ni walang segundo na hindi ito lumihis.
"My little sister... you took her from me. How could you? What did she ever do to you?!"Galit na sabi ko, wala naman ng dahilan pa para mag timpi ako at kontrolin ang sarili ko dahil gulo lang din naman ang hahantungan namin sa dulo, ba't ko pa patatagalin.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...