Chapter 61 TATVSW

29 0 0
                                    

Ngayon ko lang nalaman na itong lugar kung nasaan ako ay hindi ang orihinal na tinutuluyan ng mga nasa emperial line, or a palace. Isa lang itong parang tambayan nila or pwede na ring secret place, kumbaga sa kumpanya, hindi ito ang main company, branch lang ito. 

Nakita ko kasi dito sa kwarto na kung nasaan ako ang picture frame na mayroong picture ni mommy noong coronation day niya at kitang-kita ang palace sa backdrop niya, and i can say na sobrang laki ng palace, mas malaki pa kaysa sa mga binisita naming palace dito sa Korea. 

At dahil may mga picture dito ni mommy, that just only means na ito ang kwarto ni mommy dito, na kahit nasa modern time na kami ay sobrang may bahid pa ito ng cultural bedroom noong sinauna pero I guess, hindi naman luma ang mga gamit dito. At since, sa kwarto ako ni mommy matutulog, hindi ko alam kung saan matutulog si mommy, basta sa ngayon... ayoko pa siyang katabi dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko. 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina kaya napapatulala na lang talaga ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Bumabalik lahat sa memorya ko ang mga masasayang araw namin ni Cielo, 'yung mga salita niya, haplos, ngiti at halik niya sa'kin... Hindi ko aakalain na sa pinsan ko naramdaman 'yon. 

Oo, alam kong nakakadiring pakinggan o isipin 'yon. Okay lang sana kung sobrang layong pinsan ko siya, baka hindi ko pa i bigdeal sobra---pero hindi! First cousin ko siya! 

Pero bakit naman ganoon? Ilang buwan nang umaaligid si Mommy sa'min ni Cielo, wala man nagbigay sa'kin ng babala na iwasan ko na si Cielo noong mga oras na hindi pa kami masyadong close ni Cielo kasi alam naman na pala niya! Hindi ba pwede na nagpadala siya ng tauhan niya para sabihan ako? Bakit ngayon pa kung kailan naman napako na 'ko kay Cielo? Bakit? J-Just why... 

Bago ako matulog ay pinag-isipan ko ang mga sinabi sa'kin ni mommy tungkol sa ako na ang susunod sa trono, tama si mommy, hindi nga pwedeng maging kami ni Cielo, wala ng dahilan pa para ipaglaban ko siya...  Right. I already know what I have to do. 

Naramdaman ko na lang na kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko, kinakailangan ko ba talagang humantong sa ganito?


KINABUKASAN ay handa na akong bumalik sa hospital, itinakas lang pala kasi nila ako sa hospital at kasabwat nila ang kuya ko. Doon nga lang nag sink-in sa'kin na alam ni Kuya na buhay si mommy kaya pala noong niligtas niya ako nang makidnapped ako ay kasama niya si mommy pero as a gray haired woman nga lang... 

"You'll return here in a few days."Sabi ni Gyeong Soo sa'kin. Nilingon ko muli ang kontrata na nasa lamesa na kinakailangan kong permahan kapag bumalik na ako rito. Ngayon ko dapat ito pipirmahan ngunit sinabi ni mommy na pag-isipan ko muna ito for 3 days and after 3 days ay babalik ako rito para magkaalaman kami pero nabasa ko na ang nilalaman ng kontrata, masyadong bigdeal ang mga nakasulat dito kaya kinakailangan ng mahabang decision making pero ako? 3 days lang daw. 

"Mommy... ang usapan natin, ha?"Nilingon ko si mommy, tipid siyang ngumiti sa'kin at tumango. Hindi pa kasi siya maaaring magpakita sa mga kapatid ko, kahit kay daddy, tanging sa'kin lang dahil kinakailangan ko ng makapagdesisyon para sa kapalaran ko kahit na... nakasulat naman na ito bago pa ako maipanganak. Ngunit mayroon kaming deal na pinag-usapan ni mommy kanina at pumayag naman siya, once na pumayag ako sa gusto niya, magpapakita na siya agad sa mga kapatid ko, sa ayaw at sa gusto niya. Niyakap ko siya at humiwalay din ka-agad.

Nilingon ko naman ang mga magulang ni mommy, mayroon pa ring poot akong nararamdaman sa kanila kaya naman tinalikuran ko na lang sila at sumakay na sa loob ng kotse. 


NANG makabalik ako sa hospital ay nasa hospital bed na ako, isang araw lang naman akong nawala kaya nagawa pa ng paraan ni Kuya para pagtakpan ang pagkawala ko, kaya para kila Dad ay wala silang alam sa nangyari at natulog lang ako rito. 

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon