"Goodness Gracious! they are a boy and a girl!"Tuwang-tuwang sigaw ni K-Chelle.
Nasa asotea kami ng palace kasama ang buong pamilya ni Cielo at buong pamilya ko na ngayon ay masayang-masaya sa naging kalabasan ng gender ng ipinagbubuntis ko na kambal. Gabi ngayon at ang ganap ay ang buong town na natatanaw namin ay sabay-sabay na nagsi-ilawan ng pink at blue, kasabay din nito ang pag putok ng maraming fireworks. Mayroon pang lettered fireworks na ang nakasulat ay boy and girl.
Hindi ko alam kung paano nila ito na set-up dahil dinamay nila ang buong town sa gender reveal party na ito, pero alam ng buong bansa na ngayon ang magiging gender reveal at naka-live ang mga pangyayari ngayon. At ngayon, naririnig din namin ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. May mga hawak pa itong mga colored flags, may iba pa na may suot-suot na tshirt na mayroong tatak kung ano ang gender na hula nila, and everyone's right!
Lumingon ako kay Cielo ngayon ay nakapatong ang kamay sa balikat ko, lumapit ito at saka ako binigyan ng ilang segundong halik, pareho kaming ngumiti nang mag hiwalay ang mga labi namin.
Humarap na kami ngayon sa mga pamilya namin at agad nila kami binigyan ng yakap at binati nang paulit-ulit. Pag katapos ay nagkaroon na kaming ng mga picture taking na tumagal ng kalahating oras bago kami bumalik sa loob ng palace para sa party na magaganap.
Ang pamilya rin ni Cielo ay nag bahagi ng pagkain sa buong town para makasabay sila sa pagdiriwang na nagaganap ngayon.
Before my life ends, baby shower experience? Checked.
"MY son, I understand your fear for Elishiana's life. However, issuing a warning to another nation risks escalating tensions and jeopardizing the safety of both our people. We can't compromise the kingdom's security just because you want them to cancel your wife's death penalty!"
"We have to be fair with the law!"Napahinto ako mula sa paglalakad at natapat sa malaking pintuan kung saan mayroong maliit na uwang, inilapit ko ang sarili ko rito upang makinig ng usapan dahil naririnig ko ang galit na boses ng ina ni Cielo.
"I can't live without her!"Rinig kong sambit ni Cielo na ikinayuko ko, ngayon, alam ko na kung sino ang pinag-uusapan nila. "And starting a war is a solution, is that it?!"
"A true leader prioritizes the welfare of their subjects above all else, even their own desire... even their own life."Dagdag ng ina ni Cielo, nakarinig pa ako ng malakas na pagbagsak ng isang bagay.
"They built a case on lies, and you call it fair, Mom? This is no fair law on what they did, it's a blatant cover-up!"Sagot ni Cielo, hindi ko man nakikita si Cielo ngayon ay alam kong galit ito at panigurado akong nagtitimpi ito ngayon, pero hindi ko inaakalang handa niyang sagot-sagutin ang mga magulang niya para sa akin at bumibigat ang dibdib ko sa nalaman kong 'yon.
"The trial made it clear that she did break the contract violation! How can you explain to me that it was all framed up?"Sumilip na ako sa maliit na uwang ng pituan, nakita ko si Cielo na nakatayo at nakakuyom ang mga kamao at ang parents nito na parehong nakaupo sa isang sofa, habang ang mayroong mga gamit na nakakalat sa sahig.
"The evidence for the contract violation could be fabricated too."Mahinahong sambit ng ama ni Cielo kaya lumingon ang asawa nito sa kaniya. "Then there's a chance her name gets clear, that's all we need to focus on right now. War would only complicate things."Kalmado na ang ina ni Cielo.
Binalik nito ang pagkakalingon kay Cielo. "And don't you realize you played a part in this mess your wife is in?" Nakita ko kung paano nawala sa pagkakakuyom ang mga kamao ni Cielo na para bang tinamaan ito sa sinabi ng ina niya dahil sinasabi lang nito sa tanong niya na mayroon ding kasalanan si Cielo.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...