Chapter 70 TATVSW

20 1 0
                                    

"Dad---"

Nahinto ang balak ko na pag mamano nang isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa palad ni Dad dahilan upang mapaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact nito sa'kin.  Napayuko na lang ako at nag simulang pumatak ang mga luha ko, ngunti kahit ganoon ay naramdaman ko ka-agad ang agarang pag lapit sa'kin ni Felicia at kuya Drake upang alalayan akong tumayo.

"Pumayag ako na ipakasal ka sa taong gusto mo para maramdaman mong suportado ako sa inyong dalawa! Pinagbigyan kitang makasama pa ang asawa mo! Pero ito ang isusukli mo sa'kin?! Ang pagpapabuntis sa ganyan mong edad ang hindi ko kayang palagpasin!"Sigaw ni Dad sa'kin kaya mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko naman ginusto na mabuntis ako sa ganitong edad, hindi ko... hindi ko ginusto 'to.

Wala ako sa sarili ko, hindi ko nga alam na mayroong nangyari sa amin ni Cielo... wala! wala akong alam! Gustong-gusto kong sisihin ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil natapos na, bago ko pa ibigay ang katawan ko kay Cielo sa pangalawang beses ay buntis na ako. At hindi ko kayang ipalaglag ang bata. 

Gusto ko man sabihin kay dad ang lahat ng mga nasa utak ko ay hindi ko magawa, nanghihina ang buong katawan ko't utak ko, kahit ang pag tingin sa kaniya ay hindi ko magawa-gawa. Naiintindihan ko si dad, walang magulang ang gugustuhin na mangyari sa anak nila ang nangyari sa'kin sa mura kong edad kaya gusto kong humingi ng tawad kay dad pero alam ko na wala ng magagawa 'yon... 

"Ganito ba ka sobra ang pag kukulang ko sa'yo, Elishiana? Para humantong ka sa ganito?! A-Akala ko nasa matinong katinuan ka! Pero binigo mo ako sa akala kong 'yon!"Dagdag pa nito. "Akala ko mag tatanda ka sa ginawa ko sa inyo noon, akala ko mahuhubog ng utak mo ang mga tama at mali dahil sa mga dinanas mo pero hindi! maling-mali pala ako!"

Gustuhin ko man na sisihin si Dad dahil sa 9 taon akong walang gabay ng mga magulang ay hindi ko magawa dahil kahit na hindi nila ako nagabayan ay nalaman ko pa rin kung ano ang tama at mali, sadyang... kasalanan ko na 'to dahil hindi ko man lang ginamit nang tama ang kaalaman ko, masyado akong nag padala sa damdamin ko nang hindi ginagamitan ng utak. 

"Kung kailan kinakailangan mo ng palitan ang mommy mo naging ganyan ka naman bigla! Sa tingin mo magagawa mong mapalitan ang mommy mo sa lagay na 'yan?! Sa tingin mo matutuwa ang mga magulang ng mommy mo pag nalaman nila kalagayan mo?! At kung sa tingin mo na matindi na 'tong galit ko, malalaman mo kung kanino pa ang pinaka matindi kaysa sa'kin, hindi lang galit nila ang mararamdaman mo----"

"Pa, tama na. Hindi makakaganda---"Gusto sanang mag salita ni kuya Drake nang mag salita ulit si Dad. "Huwag kang makialam sa pagdidisiplina ko--"

"Hindi! Tumigil ka na, pa!"Sumigaw na si Kuya Drake kaya natahimik ang lahat, ang boses nito ay nag echo sa buong mansion na ikinagitla ng lahat. 

"Hindi mo ba nakikita na buntis 'tong anak mo?! Ano, pa? Gusto mo maulit ang nangyari noon? Kasi kung gusto mo, Pa, sabihin mo at ako na tatapos sa batang nasa sinapupunan ni Annie, ngayon--- sa harapan mo!"Dagdag pa ni Kuya Drake, hindi ko na ma process ang mga pinagsasabi nila dahil sumasakit ang ulo ko, nahihilo ako sa palitan ng usapan nila Dad at Kuya Drake. 

"N-Nahihilo na ako..."Nanghihinang sabi ko, naramdaman ko na hinawi ni Felicia ang buhok ko na pinagpapawisan.

"Cease this immediate altercation! Elishiana appears to be in a delicate state of health. Please, let us allow her the peace she so desperately requires."Sabi ni Felicia at inutusan ang dalawang yaya rito na akayin ako paakyat ngunit bago pa nila ako mabuhat ay pinatabi sila ni Kuya Drake at si Kuya Drake ang nag buhat sa'kin pataas. 


NAPAHAWAK na lang ako sa tiyan ko nang maalala ang mga nangyari nang pagkarating ko sa bahay na 'to, now I got it kung ano ang tinutukoy ni Kuya Drake sa sinabi niya na 'Gusto mo maulit ang nangyari noon?'. 

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon