Chapter 36 TATVSW

57 3 0
                                    

Nagising na lang ang diwa ko dahil sa naramdaman kong mayroong tumutusok sa pisnge ko ngunit hindi ko iminulat ang mga mata ko, hinawi ko lang ang kamay nito dahil alam kong si JC lang ito, tumagilid ako ng pagkaka-higa at mas lalong pinikit ang mga mata.

Muli ko na namang naramdaman ang tumutusok sa pisnge ko kaya agad kong hinuli ang daliri nito, nangunot na lang ang mga noo ko nang kapain ko ang daliri, mahaba... payat... Mabilis kong minulat ang mga mata ko at bumangon at lumingon kung kanino ang kamay na hawak ko.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko si Mokong kaya dahil sa gulat ay napa-atras ako hanggang sa mahulog na lang ako sa sahig. Mariin akong napapikit at napakagat sa labi dahil sa sakit. Y-Yung pwet ko... Nalamog.

"Geez! Siopa-- I'm sorry!"Rinig kong sabi ni Cielo, at naramdaman ko na lang na nakalapit na siya sa akin. Sinubukan niya akong buhatin ngunit hinampas ko siya nang napakalakas kaya umatras siya palayo sa akin.

"Hehehe... Sorry. Peace?"Sabi niya at nag peace sign, tinignan ko lang siya nang masama. "Good morning."Ani niya pa na parang walang nangyari sa akin.

"Good morning?! Matapos ng nangyari sa akin?"Inis na sabi ko pero mas lalo akong nainis nang magtakip siya ng ilong niya. Inamoy ko tuloy ang bibig ko. Hindi naman mabaho hininga ko, ah. Bigla siyang natawa nang malakas. "Geez! Your reactions are so... Hahaha! P-Priceless!"

Napahiga pa si Cielo sa kakatawa at napahawak pa sa tiyan niya, mas lalo tuloy akong nainis at hinagis sa kaniya ang tatlong unan ko. Ang huling unan na binato ko ay nasalo na niya, agad niya itong inamoy at nilayo sa kaniya. "Geez! Smells like spoile---"

"HOY! Hindi ako naglalaway!"Sabi ko agad upang hindi na niya ituloy ang sinasabi niya, muli na naman siyang natawa habang tumatayo siya mula sa pagkakahiga niya sa sahig. Kinuha niya ang dalawa pang unan at lumapit sa akin. "I was just teasing you, Elish."

"Nilalamig ka ba?"Biglang tanong niya nang mahinto siya sa pagtawa niya. Umiling ako sa kaniya, hindi nga ako nag kumot, eh. At nakasuot lang ako ng sando. "Are you feeling any pain?"Tanong niya pa.

"Yung pwet ko! Bakit ba?"Inis na tanong ko sa kaniya. Bigla siyang ngumisi at tumango-tango, umiwas pa siya ng tingin sa akin. 

"Then if you're not cold then why your nipples are hard?"

Mas mabilis pa sa isang segundo akong napatakip sa dibdib ko. Nawala sa isip ko na wala akong suot na bra, at hindi ako nagsusuot ng bra tuwing matutulog! Dali-dali kong kinuha ang bra ko sa drawer at pumasok ng banyo. 

"Base on my knowledge, cold can definitely stiffen nipples. But there are other reasons they might feel different, like exercise, hormonal changes, or even just touching them lightly."Sabi ni Cielo nang makalabas ako ng banyo, nag hilamos at toothbrush na rin ako dahil baka may itukso na naman siya sa akin. Inirapan ko siya dahilan upang ngumiti siya, kung makipag usap kasi siya sa akin parang hindi masyadong malaswa sa part ko ang pinagsasasabi niya, lalo na't lalaki siya.

Tumayo si Cielo at nilibot ang kwarto ko na parang first time niya pa lang nakapasok dito, eh, nang makauwi ako galing hospital at na-accident ako ay lagi siyang andito upang bantayan ako. "Your home is actually fairly huge. Without your parents, how can you maintain the elegance of your home? You guys are well off."

"Wala akong alam sa mga magulang ko, hindi ko alam ang estado ng buhay namin. Pero hindi kami mayaman, siguro isa na 'yon sa dahilan bakit kami iniwan kasi siguro wala silang pangtustos sa amin? Ewan ko ba... Basta nama-maintain ko 'to kasi may trabaho ako. At saka, may mga gamit na talaga 'to nang una akong umapak dito."Pag-kwento ko sa kaniya na ikinatango niya, minsa'y hinahawakan niya ang gamit ko, lalo na ang mga baby pictures ko na nasa frame, pinicturan niya pa nga ito pero hinayaan ko na lang.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon