Chapter 42 TATVSW

50 3 0
                                    

"Mga kabataan nga naman." Nilingon ko si Cielo na nakayuko, andito kasi kami sa Dean's office, pareho kaming pinapagalitan ni Dean dahil sa mga gulong sinangkutan namin pero syempre, hindi ako naging kawawang tuta tulad ni Cielo dahil nakatingin lang ako kay Dean habang nagsesermon siya. 

Andito rin kami dahil pinaguusapan namin ang Juvenile court hearing na mangyayari, kinasuhan na si Zyra dahil hindi na siya madaan sa usapan, ganoon ba talaga kalala ang ugali niya? Anyway, Dahil wala akong parents si Dean ang tatayong guardian ko sa hearing.

"And you Mr. Tolfanco,"Seryoso ang boses ni Dean nang tawagin niya si Cielo, hindi ko alam kung galit na si Dean or disappointed lang dahil alam namin na busy siya tapos may ganito pang mga pangyayari. Pero hindi naman kami ang may totally na may kasalanan ng lahat ng 'to, eh.  "Yes, Lo?"

"Hindi ko nagustuhan na hindi mo sinasabi sa'kin ang mga ganito at sinasarili mo lang, niyo lang. Paano na lang kung tuluyan na kayong mapahamak? Paano na lang kung hindi lang putok ng baril sa balikat mo ang mapala mo, Hijo?"Mahabang sermon ni Dean sa kaniya, or pati na rin sa'kin? 

"Sorry Lo, we're just trying to figure out everything without the help of anyone."Dahilan ni Cielo kaya agad ko siyang sinipa nang marahan para umayos siya sa mga sinasabi niya, i mean, oo, iyon naman talaga ang magiging rason ko kung ako ang tatanungin, ayokong mandamay ng tao kaya sasarilihin ko na lang pero sana naman, huwag siya mag reason na parang nagpapa-awa siya.

"Trying to figure out? Even it takes your life in danger, Apo? Masyado pa kayong mga bata para masali sa mga ganitong gulo, hindi ko na matatawag na away bata ang mga ganito. Lumalagpas na kayo masyado sa mga ugali niyong hindi maganda. Kaya umayos kayong pareho o pati kayo ay ie-expel ko."Sabi pa ni Dean na ikinanganga ko. Aba! Ibigay na niya lahat ng parusa sa'kin, huwag lang ang tanggalin ako rito, pinaghirapan ko ang scholar ko rito kaya hindi niya ako pwedeng tanggalin lang ka agad! 

"Sorry,"Paghingi namin ng tawad ni Cielo, sabay pa kami kaya nagkatinginan kami na ikinatikhim ni Dean. "Mayroon bang namamatigan sa inyong dalawa? Be honest."Tanong ni Dean na ikinakaba ko.

Aamin na ba kami? Pero hindi naman ito yung tamang oras, hindi ba? 'Di ba... parang mas magandang asikasuhin na muna ni Dean ang ibang bagay, bago yung pagtatanong niya tungkol sa aming dalawa ni Cielo? We're still in tough circumstances, so maybe we'll just say it soon.

"Wala po, Dean. "Sagot ko nang makapag-desisyon na ako sa utak ko. Tama! Hindi ngayon ang tamang oras para dagdagan ang iniisip ni Dean, baka mamuro na kami sa kaniya, eh. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkagulat ni Cielo, hindi naman siguro big deal sa kaniya na itanggi ko ang tungkol sa amin, 'di ba? Ngayon lang naman, eh.

"I understand that you are already at legal age, but Cielo, please keep in mind what your mom told you, and as President, act responsibly."Pagpapayo ni Cielo, ini-angat niya ang ulo niya at deretsong tiningnan si Dean. Mukhang hindi ko magugustuhan ang lalabas sa bibig niya.

"What my mom told me? Na ipakilala ko muna kung sino gusto kong maging girlfriend? For what, Lolo? Para kapag hindi nila nagustuhan ay madali lang nila kami paghiwalayan kasi hindi pa naman kami? Is that what my mom wants? Then it's a NO! They are not the ones who will choose who is the right fit for me. I can make my own decisions because I am a grown person."

"You already know this Lolo. I WANT her, I LOVE her."Dagdag ni Cielo na ikinabigla ko, hindi man sabihin ni Cielo ang pangalan ko ay alam na ni Dean kung sino ang tinutukoy niya. Tangina, anong ginagawa niya? Wala sa usapan namin ang umamin ngayon!

"Cielo, hindi mo alam pinapasok mo,"Sabi ni Dean kaya naguluhan ako, matagal na talaga ako nagtataka dito kay Dean eh... Every word out of Dean's mouth regarding me and Cielo felt laced with hidden motives. It was as if he was actively trying to sabotage any chance of us being together.  

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon