"Ako na nga kasi ang kakanta.""Ako na, mas maganda ang boses ko."
"Nahiya naman si Red sa atin ano?"
"Sasayaw ako."
"Mag gigitara ka gago!"
"Shut the fuck up and let's proceed to our original plan."
Rinig kong ingay mula sa labas ng bintana.
What was that?!
Ang aga-aga nag-iingay. Galit akong napabalikwas ng bangon at padabog na tinungo ang malaking bintana. Binuksan ko ang nakaharang na kurtina rito. Unang bumungad sa paningin ang ganda ng malawak na taniman.
Chilling wind blows, making me smile a bit as I let it touch my body.
Another day, another life, another grasp of experience and lesson.
"Ayan gising na siya!"
Mabilis akong napatingin sa baba. Anim na gwapo at makisig na mga lalaki agad ang namataan.
Blu is holding a guitar, katabi si Red na mic naman ang hawak. Si Elo ay nakaupo sa isang beat box, sa gilid nito nakapuwesto ang nakababatang kapatid, Deb with his favorite manggo. Adik talaga...
My gaze went to Green. May dala siyang kumpol ng bulaklak na halatang kakapitas pa lang. Galing 'yan sa bakuran namin e!
Mula sa kanya, lumipat na naman ang aking tingin kay Nolan. Mikropono rin ang hawak niya. Ganoon nalang ang matamis na ngiti sa akin.
"Kakantahan kita," he mouthed.
Awtomatiko akong napangiti, saka niyakap ang sarili nang muling maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.
Ano ba ang trip nila ngayon? Bakit may ganito silang naisip? Was there any special event?
Elo started playing with the beat box, so with Blu with his guitar. Si Deb naman ay pasimpleng sumasayaw. Hindi nakawala sa akin ang marahas na pag agaw ni Green sa mic na hawak ni Nolan. Masama niya pa itong tinitigan.
"This is mine dude, ako ang kakanta."
Manghaharana ba sila? Sa umaga talaga?!
"In my cue!" si Elo. "One...two...three...Go!"
"Lunes, nang tayo'y magkakilala..."
Natigilan ang lahat. Mabilis na napatingin kay Red.
"What? Sabi ni Elo isang linggong pag-ibig daw," his lips protruded. Saka painosenteng inangat ang tingin sa akin. He then smiled a sheepishly.
May tinatagong kabaliwan din pala siya. Marahan akong natawa.
"Mabuti pa si Red napatawa si Aielle," ngumuso si Nolan at humalukipkip. Parang batang nagtatampo.
"Ang seloso nito," mabilis siyang binatukan ni Blu.
"Maganda naman ang isang linggong pag-ibig ha? Masyadong kakaiba para gamitin sa panghaharana," pasok ni Elo sa usapan. Matamis pang ngumiti. Hindi maipagkakaila ang pagmamalaki sa naisip na kabulastugan.
"Wala tayong magagawang maganda rito, ako nalang kasi ang kakanta!" reklamo ni Deb.
Paniguradong mapapagalitan sila ni dad dahil sa ginagawa ngayon. Iisipin no'n na gusto nilang umakyat ng ligaw. Kahit hindi naman.
Baka-
Biglang sumagi sa aking isipan ang usapan namin ni Nolan noong nakaraan.
'Well, hindi naman imposible ang mga gusto mong mangyari'
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...