"Nandoon ang mga magulang nila dad. Papakiusapan ko silang mag-invest sa kompanya," isa-isa kong inilagay sa luggage ang mga gamit na dadalhin. My clothes, personal hygiene, and pairs of slippers.Medyo burara ako pagdating sa tsinelas. Kaya sinigurado nang magdala ng dalawang pares, sakaling maiwala na naman ang isa. Katulad nang nangyari noong magbakasyon kami sa rantso ng kasosyo ni dad.
Ngayon na ang araw ng alis namin papunta sa pribadong isla ng mga Everson. We will probably spend the first days of our semestral break in there. I am so excited. Thinking about my plan and the moment I'll be sharing with the boys.
"May makakasama ka bang babae?"
"They said Isabel, the youngest daughter of Mr. and Mrs. Everson will be there. Also, Nolan's twin sister and their mother. Nothing to worry about dad, I'll be alright."
"You can't blame me. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin. Hindi naman sa wala akong tiwala sa magpipinsan, I just want to ensure your safety. Lalabas kami ng bansa ngayon, kapag may nangyaring masama sa'yo roon, mahihirapan kaming puntahan ka," ginagap niya ang aking kamay.
"Dad, hindi ako pababayaan ng mga Gilmour. Nakausap mo na sila kanina 'diba? Nangako silang poprotektahan ako," tumayo ako at mariing yakap ang iginawad dito.
Kitang-kita ang pagdadalawang isip niyang payagan akong sumama sa lakad ng magpipinsan. Sa kabila ng iilang pagkukulang nila ni mommy bilang magulang, napagtanto kong may malaking parte pa rin ako sa atensyon ng mga ito. Maling-mali ako sa pag-iisip na hindi nila binibigyan ng halaga. 'Cause looking at this now, my father is obviously worried. Ayaw niya akong pakawalan ng basta-basta. Hindi dahil wala siyang tiwala, kun'di dahil hinahangad lang nito ang kaligtasan para sa akin.
Mababait man ang mga makakasama, nararapat ko pa ring isaisip ang katotohanang hindi ko sila kaano-ano at pwede nilang bawiin ang lahat ng pangakong pinakawalan sa harap ng mga magulang ko kung gugustuhin.
I know they can never do such thing. But for my father's point of view, prevention is better than cure.
"Sige..."ngumuso ako, "Kung ayaw mo talaga, hindi nalang ako sasama," labag sa kalooban ko ang desisyong ito.
Pero kung ang katumbas naman ng lakad na ito'y sama ng loob mula sa sariling magulang, mabuting manatili nalang. Family should come first. Kasi sila iyong madalas na nandyan sa gitna man ng unos o kasiyahan. It's the family that usually stays at the end.
Tahimik itong napatitig sa aking mga mata. Tinatantiya ang guhit ng aking mukha.
"Isama mo nalang si Jee para may tagabantay ka roon," ani niya matapos ang ilang sandali.
Sa wakas ay pumayag din!
"Sure dad," a smile immediately flashed on my lips.
"Act like a fine-lady in there. I'll regularly check on you."
Tumango lang ako. Ayos na ayos sa akin ang kondisyong iyan. I am not wild and carefree, I can carry myself well. I practiced the art of social etiquette beforehand. Maging ang sasabihin sa mga nakakatandang Gilmour ay nakaukit na rin sa isipan. Kahit paano'y malakas naman ang loob kong harapin at kausapin ang mga ito.
Tinulungan ko na si ate Jee sa pag-iimpake ng mga gamit. Para naman mapadali para sa kanya ang trabaho, gayung kailangan pang mag-ayos. I made sure to pack everything see need. Para iwas problema sa byahe mamaya.
Hindi na rin ito naging iba sa akin. She's like an older sister to me. Halos lahat ng meron ako'y meron rin siya, mapadamit man o ibang bagay. Sa lahat kasi ng kasambahay, siya lang ang nagtagal. Ni minsan ay hindi ito naging sakit sa ulo, bagkos ay pinapagaan ang lahat ng gawain ko.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...