Chapter 41

75 6 0
                                    


"You are not joking right?" mommy leaned on the couch and crossed her legs. Gaya ni daddy ay hindi rin ito makapaniwala sa narinig.

"Bakit ang bilis?"

"Buntis na po kasi si Aielle," diretsahang tugon ni Green.

Aba, ang advance masyado.

"Gusto ko po siyang pakasalan para masiguradong apilyedo ko ang dadalhin ng magiging anak namin. Above all, I love her... Siguro'y nahihirapan kayong paniwalaan dahil nasaktan ko siya noon. But believe me Mr. and Mrs. Alfano, I do love her and I am willing to devot my love on her as much as I can. Kung hindi po kayo papayag, ipipilit ko pa rin. 'Cause I want nothing else other than your daughter to be my wife, "Green said, loud and precise.

"Ang lakas din talaga ng loob mong galawin ang anak ko Gilmour," komento ni dad sa matigas na boses. Bahagyang nagtagis ang bagang nito. He can't say yes that easily.

"I am sincerely sorry for that sir. I actually don't have any plan on doing it before marriage but..." he sighed heavily, "I love her so much and...I love her," he added.

Bahagya akong napangiti. Siguro'y gusto niya lang protektahan ang imahe naming dalawa sa harap ng mga magulang ko. We can't tell them what exactly happened. That's too awkward. At mas lalong ayaw kong aminin na naakit ako ni Green. I was taught to be tough on boys. But I ended up being soft and easily tempted.

"If you are really ready to get married, then okay, you have my permission," si mommy.

Kung gaano kadali para rito ang pakawalan ako, ganoon naman kahirap para kay dad. Kinailangan ko pang tumulong sa pangungumbinsi upang tuluyan siyang pumayag.

Fortunately, our talk ended fine. Gusto sana ni dad na madaliin ang kasal dahil nga buntis na umano ako, kahit hindi naman. Nadale ni Green sa bagay na iyan ang aking mga magulang.

Naglaan ako ng oras para bisitahin ang restaurant na ipinamana ni mommy sa akin isang taon na rin ang nakalipas. My parents and relatives gave me huge amount of money on my twenty-first birthday. I used it for my advantage. After the transfer of the restaurant's ownership, I employed most of the money I received for it's renovation. I made it modern and lively, with a touch of my taste. The love of art and personal space.

I used the rest for my own consumption in Malaysia and capital for my little online business. Kailangan ko rin ng sideline dahil hindi naman talaga masyadong sinusuportahan ng mga magulang sa paglipat. Madalas akong kumakapit sa mga binibiling damit na itinitinda rin pabalik sa presyong medyo may kalakihan sa orihinal.

Days passed...The connection I made with Green grew big and deep. Mas nakilala pa namin lalo ang isa't-isa ngayon. Naiintindihan niya na ang paminsan-minsang saltik ko at kaya ko na ring sabayan ang natural na pagiging suplado niya.

Something happened to Aidle's family. Napaaga ang balik namin sa syudad dahil doon. Pero ang dapat tatlong araw lang na bakasyon, umabot ng dalawang linggo. We can't leave yet, 'cause we have to be there for Aidle. At ngayong dahan-dahan niya nang natatanggap ang pangyayari, one of these days lilipad na ulit kami pabalik sa Malaysia.

At tungkol naman sa kasal, pagkatapos pa ng graduation ko mapag-uusapan kung kailan.

"I am so close to calling your school Petrina," nakangusong sabi ni Green.

"Bakit?"

"Papaagahan ko ang graduation niyo."

"You think you can do that?" I raised a brow.

"Try me," panghahamon nito.

We are heading to Donia Alicia. Bibisitahin namin doon si momma at ang ibang pinsan niya na nagsiuwian din. Nolan called earlier. And he said he's already there. Katulad namin ay nasa byahe na rin umano si Elo at Deb. Hindi sigurado kung makakauwi si Blu, pero susubukan niya umano.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon