Chapter 22

59 4 1
                                    


Tahimik ang gabi, mapayapa ang bawat sandali. Nakapagtatakang wala akong ibang iniisip ngayon, bukod sa karakter ng binabasang nobela. I am wondering if the protagonist would know that the one she was living with was the person she had been longing to see. She went everywhere, traveled overseas and search each places just to find the person. I get that she lost her memories from the car accident. And what left within her was only the blurry moment she had with her man, including his face. Pero nakakainis din talagang isipin ang katotohanang pwede namang aminin ng lalaki ang katauhan nito bago pa mabaliw ang mahal niya sa kakahanap ng sagot sa mga katanungan. But he didn't do something. He just stayed beside her, letting her find everything out by herself.

I really envy the authors sense of writing. Most of them write inconceivable and symbolic plot.

I wonder how they came up with such idea, and why are they so full of wisdom?

Natigilan ako sa malalim na pag-iisip matapos marinig ang pagtama ng kung ano sa bintana. Natatabunan ito ng kurtina na sinigurado ko talagang ilagay kanina bago sumampa sa kama. I am not brave enough to have a sight of mythical creatures. If they really did exist.

Ngayon lang nangyari ang ganito. Imposible namang ibon lang ito na nabangga sa bintana. Masyadong matinis ang tunog na naririnig ko.

Kung hindi naman maligno, pwede kayang tao ang nasa likod ng bintana? Pero paano niya naman magagawa iyon? Nasa ikalawang palapag ang kwarto ko. Puwera nalang kung may nahanap siyang hagdanan.

Wait...

Is someone trying to break in?

Oh my God! I need to call my-

"Aielle..." rinig kong tawag ng isang boses mula sa labas. Medyo mahina ito, sapat lang para marinig ko.

Tulog na marahil ang mga kasama ko sa bahay. Maaring ako nalang ang gising sa oras na ito. Hindi ko alam kung sisilip ba ako sa bintana o ano.

I am so scared...

"Aielle si Green 'to..."

Huh?

"Open the fucking window or I'll break this whole thing."

Nagdadalawang isip pa akong lumapit. I can't be sure about it.

Paano kung ginagaya lang nito ang boses ni Green?

"Weh? Kung ikaw nga si Green, ano ang ginawa natin noong unang araw ng bakasyon sa isla ng mga Everson?"

I moved close to the window.

"Dinala kita sa hidden garden ni Isabel. We took pictures together..."

"Ano pa?"

"You underestimated my competence in photography."

Sa isang mabilis na galaw, hinawi ko ang kurtina. Reveling him in dark grimace.

"Why are you here?"

"I am inviting you to walk with me somewhere."

"Right now?" I gasped heavily.

"Right now. Sa susunod na araw na ang birthday mo. You have to at least fulfill all your wishes before that day. The last one is sneaking out at night with someone. So here I am, I will be your companion tonight."

"Nasaan si Nolan?"

Si Nolan ang inaasahan kong sasama sa akin ngayon dahil nangako siya. Iyon ang pinanghawakan ko. Why isn't he here?

"He's sick," his voice toned down, "Nakiusap lang siya na ipasyal ka ngayon dahil kasama umano iyon sa wishlist mo."

Huwag niyang sabihing nagkasakit si Nolan dahil sa ginawa namin kahapon?

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon