Chapter 1

279 11 4
                                        


It is your eyes, your smile,

And the way you carry yourself to the world

It is your all that made me fall

Flowers had again bloomed

Just like my feelings, inspired and doomed

I couldn't get-

"May plano ka pa bang bumaba diyan?"

Matigas na boses ni daddy mula sa labas ng sasakyan ang nakaagaw sa aking atensyon.

Mabilis kong sinarado ang hawak na notebook at nilagay sa bulsa ang panulat. Nais ko sanang tapusin ang tulang ginagawa, ngunit mauudlot na naman.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa labas at marahas na napabuntong hininga. Lahat ay may bitbit na mga gamit mula sa aming iniwang bahay sa syudad. Abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa, nagtutulungan, hindi mawala-wala ang paminsan-minsang tawanan.

Ngumuso ako at padabog na binuksan ang pinto. Ayaw ko man, kailangang tanggapin ang katotohanang dito na kami titira sa madamo, tahimik, malayo sa kabihasnan, at nakakatakot na lugar.

Totoo ba talaga ito? Mabubuhay ba ako rito?

"Good morning!"

Lahat kami ay napalingon sa grupo ng mga kalalakihang kararating lang. Lahat ng mga ito'y nagsusumigaw sa kakisigan at kagwapuhan.

The man in curly hair and attractive dimples got my attention. He was wearing white sando, maong shorts and a pair of slippers. Malapad itong nakangiti sa mga nakakasalubong. Nang mapansin ang tagasilbing may dalang babasagin, agad niya itong dinaluhan. Hindi nakawala sa akin ang pamumula ng pisngi ni ate Jee. Kung ganyan ba naman kagwapo ang tutulong sayo, ewan ko nalang kung ano ang iisipin.

Wala sa sarili akong napangiti. Imbis na tuluyang lumabas, minabuting manatili muna sa loob ng sasakyan ng ilang sandali.

"I am Elo," the guy in blonde hair went towards my father. "Nandito kami upang batiin kayo sa inyong pagdating," naglahad siya ng kamay na agad namang inabot ni daddy.

"Ilang hakbang lang po mula rito ang mansyon namin. If you need help, you are always welcome to bang the gate," the guy in dark aura said. His hands were both on his pants pocket. He had red lips and well defined body.

All of them had beautiful physique. Pero mas nanaig 'yong sa kanya, na sinundan naman ng katabi nitong may maputing kutis at mamula-mulang pisngi. Siguro ay silang dalawa ang matanda sa grupo, they look matured and proper.

"Green," the guy in dark aura added.

"Red," naglahad ng kamay ang katabi nito.

"Nolan," pasok ng lalaking may maamong mukha at nakakaakit na dimples sa usapan.

Nolan... Nolan...

Paulit-ulit akong napatango at muli na namang napangiti.

He's cute!

"We're cousins," dugtong niya pa.

Ano nga ulit ang dahilan ng galit ko? Hindi ko na matandaan...

All I know was I am loving the view. Hindi naman pala masamang ideya ang paglipat namin dito. Ilang hakbang lang ang mansyon nila mula rito 'diba? Mukhang mapapadalas ako roon.

"Nice to meet you boys. Kayo iyong dating may-ari ng lupaing ito tama ba?" kaswal na tanong ni daddy.

"Opo."

Suot ang malapad na ngiti, lumabas si mommy at dumiretso sa mga gwapong lalaki. She went in front of Green, if I wasn't mistaken.

"Gregor Sebastian. Dy siya 'yong sinasabi kong gwapong anak ni Michelle," masiglang sabi nito.

"Gilmour?" gulat na sagot ni daddy at isa-isang tinitigan ang mga lalaki.

"We first met at Aidle Lucas charity event last year sir... " bahagyang ngumiti si Green.

Tumingala si daddy at sandaling nag isip.

"Really?"

"Yes dy. Red and Green greeted us that night," mahinang hinampas ni mommy ang asawa. "Paano mo nagawang kalimutan ang mga gwapong 'to?"

"Pasensya na kayo ha? Pero hindi ko na kasi matandaan," pasimpleng napakamot si daddy ng kanyang batok.

"Ayos lang po," magalang na sagot ni Red.

Their conversation went on. Nag usap tungkol sa mga nakakatandang Gilmour, nagkamustahan at bumalik sa nakaraan.

Tahimik lang akong nakikinig, hindi magawang lumabas dahil nahihiyang makita sa ganitong suot.

I stared at the oversized shirt and pajama I am wearing. My hair was tied in a messy bun. Hindi ko mahanap ang suklay, kaya ang wala akong magagawa para rito.

Sino namang mag aakalang may makikita palang mga gwapo ngayon? Kung alam ko lang, e 'di sana nakapag ayos.

Mula sa mga kausap, lumipat ang tingin ni daddy sa aking banda. Pasimple itong sumenyas na lumapit.

Mabilis akong umiling, awkward na ngumiti at dahan-dahang lumabas. Liliko na sana sa likod ng sasakyan, ngunit natigilan sa kanyang malakas na sigaw.

"Where are you going this time Aielle Petrina?!" usal nito sa matigas na ingles.

All of my dreams went blurry, biglang lumamig ang paligid at ang kaninang ingay ay napalitan ng nakakabinging katahimikan.

I got their attention and I don't know how to get away.

Nais ko pa naman sanang umalis na hindi napapansin ng mga bisita. Pero sinira ni dad ang planong iyon.

Lantarang pagsusuri ang ginagawa ni Green sa aking katawan, Elo was smilling sheepishly, Red's cold stare went through me and Nolan... His face was in awe. Nang mapansin ang titig ko ay agad itong ngumiti at pasimpleng kumindat.

I bit my lower lip, trying to hide a smile. Ramdam ko ang pagwawala ng aking mga paro-paro sa tiyan, isali pa ang pusong nais pa yatang magpiyesta sa galak.

I have to act normal.

Gwapo lang 'yan. Marami naman akong nakikitang ganyan sa school...

"Nandiyan ka pala anak? Akala ko nasa loob kana," gulat na sabi ni mommy.

Ngumuso ako at bahagyang yumuko.

"Ngayon... Ngayon pa lang sana ako papasok?" hindi ko siguradong sagot.

"May magandang anak po pala kayo," makahulugang sabi ni Elo. Halatang playboy ang isang ito.

"She's still seventeen," diretsong sabi ni daddy.

"I see..." Green shrugged.

Muli ako nitong pinasadahan ng tingin. Nang magtama ang aming mata ay ganoon nalang ang pagtaas ng kanyang kilay.

"Anyways, we have to head back. May kailangan pa kasi kaming puntahan sa bayan," hindi nito inaalis ang kanyang titig sa akin.

"Sige. Mag ingat kayo," si mommy.

"Baka pwede kayong bumalik dito mamaya para sabayan kaming maghapunan?"

"We would love to!" masiglang sagot ni Elo.

"Susubukan po namin," Red stared at me for seconds before walking away.

"Nagagalak po kaming makilala kayo," Nolan waved goodbye.

Ang cute niya talaga...

Pasimple akong napangiti.

"What's with the smile kid?" pamumuna ni daddy.

Medyo nakakalayo na ang mapipinsan, pwede na akong sumagot ng hindi kinakabahan.

"Nothing," nagkibit-balikat ako. "I have to take a shower," hindi ko na hinintay pa ang sagot ng mga magulang.

I stretched my arms and strutted inside.

I have to love this place in order to survive...

Well, now that I found my reason to stay, I'll definitely survive!

***

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon