Chapter 18

63 6 0
                                    


"Kamusta ang bakasyon?" bungad na tanong ni dad matapos akong pagbuksan ng pinto. Kakarating lang namin mula sa nakakapagod na byahe.

Ang magpipinsan, dumiretso na sa mansyon nila para makapagpahinga. Babalik nalang daw umano sila rito mamaya para personal na ibalita sa mga magulang ko ang mga nangyari sa isla.

Naging maayos naman ang pakikitungo ng mama ni Green sa akin kinabukasan. Blu's mother is a bit distant to us. Si ma'am Kielanne, momma at ang mag-asawang Everson lang talaga ang malaya kong nakakausap sa mga nakakatanda. The rest sometimes don't give a single care. Pero alam kong mabait naman sila. Especially Red's father. He once smile and talked to me.

Namasyal kami sa mga karatig na isla. Tinuruan ako ni Nolan na mag-scuba diving at naglaro pa kami ng volleyball pagkauwi.

Wala akong ibang ginawa kun'di ang umiwas kay Green. Lalo na kapag nakatingin si ma'am Stella. Ayaw kong isipin nito na hindi ko naman sinusunod ang pakiusap niya. If she want me to stay away from her son as far as I could, then I will do it. I don't want trouble between us.

"Ayos naman," tipid kong sagot.

"And?"

He was asking about the negotiation I promised.

"They said they will give you a call one of these days."

Una kong kinausap ang papa ni Red noong magkaroon ng tamang pagkakataon. They already had a fix date for a formal meeting. Para iyon sa negosyong ipapatayo nilang dalawa. Hindi kasali ang kompanya naming papalubog na. But after a deep talk with me, he decided to invest in our company. It can be considered a suicide. Thinking about the huge amount of money he'll be losing if the company will really end up drowning. Pero sabi nga niya, 'A businessman is someone who is a risk taker.'

He can never learn without failure.

Pareho-pareho lang ang sinabi ko sa kanilang magkakapatid. Pati kay Mr. Everson at momma. Naglakas-loob talagang kausapin ang mga ito dahil sila naman ang personal na namamahala sa kanya-kanyang negosyo. Naroon ang matinding kaba. Datapwa't kung ito lang ang paiiralin, walang mangyayaring maganda sa lakad ko at pangakong iniwan kay dad.

Mama lang ni Green ang hindi ko nagawang kausapin. I got scared talking with her again.

"I am so proud of you anak!" dad hugged me tight.

"Thank you for believing in me," I plainly answered. Gusto ko nang magpahinga sa kwarto, "I hope you won't force me to stay in touch with the boys again."

The idea is actually against my will. Ayaw kong lumayo sa kanila. Nasanay na akong kasama ang mga ito sa kahit anong lakad. Mag-iiba ang ikot ng mundo ko kapag mangyaring hindi na kami mag-usap ulit gaya ng nakasanayan.

Pero kung kailangan talaga. Kung totoong ako ang magiging dahilan ng pagbagsak nila, wala akong magagawa kun'di ang umalis nalang sa buhay ng mga ito habang maaga pa.

Oo, mama lang ni Green ang nakiusap sa akin. Pero paano ko siya tuluyang maiiwasan kung mananatili akong nakadikit sa mga pinsan niya? Kung nasaan ang mga ito'y naroon din siya. So in order for me to stay away from him, I also need to keep my distance from the others.

"Of course anak. If that's what you pleased. Sa totoo lang ay ayaw ko naman talagang sumasama ka sa magpipinsang iyon. Baka makalimutan mo nalang ang pangako mong magtatapos muna ng pag-aaral bago makipagrelasyon."

"Sige po, aakyat na ako," pambabalewala ko sa sinabi nito.

May ipinangako ba ako?

Siya lang naman ang mag-isang gumawa sa patakarang iyan. I didn't remember agreeing to it. Even for once.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon