Chapter 9

80 4 3
                                    


"Basta pag may nang away sayo roon, sabihin mo agad ha. Para maturuan ko ng leksyon," usal ni ate Jee habang inaayos ang bag ko sa likod. Siya nalang ang nag-iisang natitirang kasambahay namin.

Kinailangan kasing magbawas ng tao, para makatipid ng pera. Iyong pampa-suweldo sa maraming trabahante, iniipunin nalang para sa ibang bagay.

Lihim akong napairap at inilayo ang sarili rito. Ang tapang-tapang ha? Parang hindi ako iniwanan noong nakaraan matapos mamataan ang papalapit na aso.

Sumama ako sa kanyang mamili ng mga pagkain sa bayan. Bagay na lubos pinagsisihan. Sumakit na ang paa sa layo ng nilakad, naiyak pa dahil sa ginawa niya.

Kanina pa ako nito ginugulo. Kung ano-ano ang sinasabi, wala namang konek sa aking pag-aaral. Ang kulit lang...

"Si ate Jee nagbibiro na naman," usal ko habang tinatahak ang daan palabas.

Agad namataan ang iritadong si dad. Nakasandal sa sasakyan at hindi na maguhit ang mukha. Siguro ay katulad ko'y nag-aalala na ring mahuli sa importanteng lakad na naman ngayon. Hinihintay nito ang paglabas ni mommy.

"Where's your mom?" he asked in hard baritone.

"Here," patakbong lumapit si mommy. "Sorry natagalan ako, nagpatulong pa kasi si Aielle sa paghahanda ng mga dadalhin niya e."

"Mahuhuli na tayo, we can't let the clients wait," seryosong tugon ni dad. Saka mabilis umikot sa driver's seat.

"Nak, maglakad ka nalang muna ngayon hanggang sa highway ha? Male-late na kami lalo kung ihahatid ka pa e."

Ganoon nalang ang aking marahas na pagsinghap.

"But mom, masyadong malayo 'yon! Kahit sa sakayan ng tricycle hindi niyo ako maihahatid?"

Ngayon ang unang araw ko sa bagong institusyong pag-aalayan ng debosyon at oras sa pag-aaral. Dapat ay malinis, saka maganda akong haharap sa mga kaklase. Ngunit paano mangyayari iyon kung ganitong kailangan ko palang maglakad?

Well, that isn't totally the problem here. What I am truly concern about was the time left for me! Tatlumpong minuto nalang ang natitirang oras ko, kulang na kulang sa paglalakad. Siguradong mahuhuli na rin ako nito.

"Sa kabilang daan kami tatahak Ye," malungkot na hinimas ni mommy ang aking buhok.

"Petrina huwag nang mag-inarte. Importante ang lakad namin ngayon, hindi pwedeng masira. Bukas, ako mismo ang maghahatid sa'yo. Pakiusap, ngayon lang 'to."

Wala na akong naisagot pa sa sinabi ni dad.

Ano pa bang magagawa? Pulling an argument and throwing a tantrums will just do nothing. I don't want to absent on my first day, it's better late than never...

Hinintay ko munang umalis ang mga magulang, bago simulang tahakin ang kabilang daan. Naiiyak man, pinipilit kong labanan. Kasi hindi naman makakaganda, magmumukha lang akong kawawa na papasok sa eskwelahan. I have to at least look presentable. Kunwari hindi nasasaktan...

"Books now, boys later!" rinig kong sigaw ni ate Jee. "Good luck sa first day mo," she waved goodbye.

Taray, may natutunan na rin siyang mga ingles ngayon dahil sa pagbabasa ng mga pinapahiram kong libro. She should keep it up.

Napangiti ako sa sariling naisip. That's it Ye, just stay positive.

Pakanta-kanta ako habang naglalakad sa madilim at tahimik na kakahuyan ng Donia Alicia. Para lang aliwin ang sarili sa ibang bagay.

"Row, row, row your feet gentle on the way. Lakad-takbo, lakad-takbo, life is fuck not dream..."

Paulit-ulit lang ang liriko ng aking kanta, hanggang sa magsawa at matahimik. I am about to give up, thinking about the miles away I still have before stepping on the highway.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon