Chapter 12

86 5 3
                                    


"Ano sa tingin mo ang mangyayari sa atin sampung taon mula ngayon?" biglang tanong ni Shan. Katulad ko'y inaalala rin ang naiwang tanong ng guro namin sa Philosophy.

Ano nga kaya? Will I end up with Nolan? Darating kaya ang araw na magugustuhan niya ako? How about the company, will it remain running 'till then? Makakapagpatayo rin kaya ako ng sariling kompanya? Magiging masaya ba ang hinaharap ko? Mabibigyan ko kaya ng kulay ang lahat ng pangarap?

I heaved a deep sigh.

Hindi naman imposible ang halos lahat ng gusto kong mangyari, kung magpupursigi lang talagang abutin ang mga ito.

But as for my feelings... I want no one else other than Nolan. Siya lang po Lord!

"Tahimik ka na naman," muling puna ni Shan, "Saan na naman ba umabot iyang pag iisip mo?"

"Sa mansyon na naman iyan panigurado," si Dome. He laughed a bit, pabiro pang ginulo ang aking buhok.

Nasa rooftop kami ngayon. Tumakas na naman sa klase dahil parehong nauumay na makinig sa guro. Isa pa, ako nalang palagi ang pinagdidiskitahan nito tuwing nakikita. Bibigyan ng mga mahihirap na tanong, kung walang mailahad na tamang sagot ay magagalit. Pinaglilihian yata ako no'n.

'Just find the right solution the best you can. If you got it wrong, then we'll do something about it in a simplest and gentlest form'

Naaalala ko pang madalas nitong sabihin sa klase.

"Si ma'am Sungit ang iniisip ko 'no," walang gana kong sagot.

"Tumakas na nga tayo sa klase niya, tapos iisipin mo pa," marahas akong binatukan ni Shan. "Ang mabuti pa, mag-aral nalang tayo rito."

"Sa library nalang sana tayo dumiretso," pamimilosopo ko.

"Mabilis tayong makikita ni ma'am doon. Mabuti nga at kaibigan ni Dome ang guard, hindi tayo nahirapang umakyat dito para magtago," hinawi nito ang kanyang mahabang buhok, saka inakbayan ang kaibigang ngayon ay tahimik na naman.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa rooftop, lalo na tuwing oras ng klase. Kaya madalas kinakandado ang pintuan papunta rito para walang makapasok na studyante. Pero dahil kilala ni Dome ang guwardiya, madali lang sa aming baliin ang patakaran. Kailangan lang talagang maging maingat para hindi mahuli.

"Let's go back to my question. Ano sa tingin niyo ang mangyayari sa atin, sampung taon mula ngayon?"

"Depende sa gusto ko," mabilis na sagot ni Dome.

"Baka may limang anak na kami ni Nolan," natatawa kong tugon.

Hindi na lingid sa kanilang kaalaman ang nararamdaman ko para kay Nolan. Napilitan akong umamin noong minsang kalikutin nila ang aking telepono at nakita ang mga litrato nito na inilagay ko sa isang folder. Pinangalanan ko pang 'Babe.'

Binura ko rin agad iyon matapos mabuking. Dahil hindi na makakayang may iba pang makakita no'n. Worst, baka isa pa sa mga Gilmour. Napagtripan ko lang naman talaga kasing gawin iyon, nakaligtaan nga lang alisin agad.

Ngayon, hindi lang ang aking bibig ang kailangang bantayan ngayon. May dalawa nang nasali sa listahan ng titingnan. Parang timang pa naman ang mga ito kapag kaharap na ang magpipinsan.

Thinking about them pulling the trigger, made want to cry in shame. Hindi na ako muling magpapakita sa mga Gilmour. Sakaling malaman ng nila ang totoo.

"Siguradong magugustuhan ka ni ma'am Kielanne. Sa ganda mo ba naman kasi," nagtaas-baba ng kilay si Shan.

"Ma'am Kielanne?" my brows furrowed.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon