"Kamusta ang pangangabayo mo kanina?" tanong ni mommy habang kumakain kami.Hindi agad ako nakasagot. Marahang ibinaba ang hinahawakang kubyertos at pinasadahan ng tingin ang mga magulang.
"Iniwan mo kami," dugtong niya pa.
"Didn't I told you already?" I craned my neck, "Sumakit bigla ang tiyan ko kaya gustuhin mang manatili roon, napakahirap gawin."
'They are having fun with someone else. I'll only feel like an outcast if I stayed there for long.'
That's the truth I never want to tell my parents. They'll surely call me sensitive and emotional.
Ayaw kong makisawsaw sa kasiyahan ng magpipinsan at maganda nilang bisita. I don't have any business with her. Isa pa, nadidismaya akong makita ang imahe ni Nolan na kinagigiliwan ang babaeng iyon.
"May lakad na naman kami bukas. Doon ka ulit mamasyal sa mga Gilmour ha?"
Muntik na akong mabulunan sa narinig. Ganoon nalang ang marahas na singhap at hindi makapaniwalang titig dito.
Paano kung nandoon pa rin ang bisita nila? Magmumukha akong tanga roon na maghihintay kung kailan nila papansinin.
"Isama niyo na lang ako..."
"Bawal ang bata roon-"
"Hindi na nga ako bata," matigas kong usal saka tumayo.
Ilang beses ko bang dapat ipaalala sa kanila na hindi na ako bata? I am turning eighteen next month. I can make decisions my own now. And my say at this moment was to come with them. It's been awhile since we went out together. Halos araw-araw ay wala sila sa bahay. Kahit noong nasa syudad kami. Palagi nalang nakatuon ang pansin ng mga ito sa negosyo na halos kalimutan ang kapakanan ng sariling anak.
I need their companion too. Not just their money and support, tsk!
I made my way out of the dining and went straight to my room. Ilang sandaling nagbihis, pagkuwa'y itinumba ang katawan diretso sa kama at pumikit.
I just hope tomorrow would give me good vibes. Ayaw ko nang magmukmok.
Ingay mula sa baba ang bumulabog sa akin kinaumagahan. Mga boses ng lalaki ang naririnig ko. Nag-uusap at nagtatawanan na animo kanila ang buong lugar.
Sino naman kaya ang mga bisita namin sa umagang ito? Aren't it too early to make noise?
Napabalikwas ako ng bangon. Sandaling tinitigan ang antok na repleksyon sa bilugang salamin saka nag-unat.
"Good morning sad girl," I forced a smile.
Matapos pagkaabalahang titigan ang sariling imahe, tamad akong umalis ng kama at naglakad diretso sa pinto.
Hindi na nag atubili pang ayusin ang sarili. What's the point? I'm in my own house anyway.
Pasuray-suray at nahihikab akong bumaba ng hagdan. Ni isang beses ay hindi sinubukang pagtuunan ng tingin ang mga panauhin.
I am always like this when I feel like I don't want to talk with anybody. May it a relatives or my own parents. Avoiding a gaze is the least I can do to shut them off. No talking when I am not looking. Keep your words within yourself. You might have a taste of my wrath if you insist.
Huli na nang mapagtanto kong maling-mali ang ginagawa. Sa hindi malamang dahilan, bigla nalang napalingon sa banda ng mga bisita.
Walong pares ng mga mata ang sa akin nakadirekta. Lantaran akong pinasadahan ng tingin ng mga ito. Ganoon din ang mga magulang ko na halos gusto nalang akong kaladkarin pabalik sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...