May mga natitirang kagamitan pa ang buong bahay. Nasa maayos na pwesto ang sofa at mini table sa harapan nito, medyo luma na ang hagdan papunta sa ikalawang palapag, sira-sira at marumi ang mga kurtina, saka may pintuan sa kanan na pakiwari ko'y comfort room. Kita mula rito ang kusina. May iilang mga nakalagay na kubyertos pa.Bakit kaya ito iniwan ng may-ari?
Marahang pagbangga ni Green sa balikat ko ang naging dahilan para magbalik ang naglalakbay na diwa. Mabilis akong napalingon sa kanya. Ilang sandali lang itong tumitig, bago tunguhin ang switch ng ilaw sa gilid.
He tried to turn it on. Ngunit sa kasamaang palad, hindi man lang lumiwanag ang paligid.
"You're afraid of dark," he suddenly said.
Bahagya akong natigilan. Natatandaan niya pa pala.
Kampante akong magliwaliw at punahin ang kabuuan ng lugar, dahil umaga pa naman. May liwanag pang nagbibigay ng suporta sa amin upang kahit papaano'y makita man lang ang dinadaanan. Ibang usapan na kung kadiliman ang babalot sa paligid.
"May flashlight naman kasi. Ayos na 'yon," I lied. Ni hindi nga ako sigurado kung may sapat nga bang baterya ang mga dinala ni Aiden.
"Alright," he strutted towards the kitchen.
Kita ko kung paano niya ito pasadahan ng tingin. Inaanalisa ang bawat detalye at sinubukan pang buksan ang pinto palabas yata.
"Mommy look, there's a fire place here," pang aagaw ni Aiden ng atensyon ko.
Ganoon nalang ang pagsilay ng aking kaba matapos mapansing wala na ito sa pwesto kanina.
"Aid, nasaan ka?"
"Here!"
Sinundan ko ang boses niya. Mabilis tumakbo sa kanang bahagi ng bahay, kung saan ay may namataang pintuan.
But it was empty, and dark. Wala ang anak ko!
Shit! Napakatanga ko para kaligtaan siyang tingnan. Si Green pa ang mas pinagtuunan ng pansin kaysa makulit na anak.
"Baby, where are you?!"
"Hey..."
I quickly turned to face Astian.
"Nawawala ang anak ko," I pulled the hem of his hoodie. Hindi maikubli ang kabang kasalukuyang nananalaytay sa sistema.
"Aiden!" tawag niya sa baritonong boses.
"Push the wall!" sigaw ng bata pabalik.
Sabay naming itinulak ang dingding. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla ba namang bumukas. Revealing my son in front, smiling widely. Hawak nito ang pinagmamalaking flashlight.
From him, my eyes traveled around. May fire place nga rito, at iilang mga panggatong sa tabi lang. A rounded sofa is situated on the right corner, so with the mini table. Mga walang lamang bote ng wine naman ang nasa kaliwa.
This place is surprisingly clean! Wooden ceiling was decorated with laces, and a small classic chandelier hung freely above.
"What kind of place is this?"
"The owner's secret haven?" hindi niya siguradong sagot.
Probably.
Sino kaya ang may-ari ng bahay na ito? Bakit niya napagdesisyunang umalis? Sayang naman ang mga natitirang kagamitan.
Kung titingnan, pwede pa itong tirhan. Konting renovation lang ang gagawin, tiyak na babalik sa orihinal na ganda ang kabuuan ng lugar.
"I'm cold," lumapit sa akin si Aiden upang magpakarga.

BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...