Chapter 14

105 6 9
                                    


Halos tatlumpong minuto rin ang itinagal ng paglalayag namin, bago tuluyang makarating sa isla ng mga Everson. Kailangan pang sumakay ng bangka hanggang sa dalampasigan. Unang bumaba si Green at Red, pareho nilang inaabot ang mga gamit namin, sunod na sumampa sa bangka si Nolan at ang iba. Nahuli ako na maagap inalalayan ni ate Jee at Nolan.

Nakatingin lang si Green. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin. He crossed his arms over his chest, then licked on his lips.

"Doon ka na pumwesto sa tabi ni kuya Green," inalalayan ako ni Nolan palapit dito.

"Kuya?"

"Kasi nandiyan na ang mga magulang natin, baka sabihin na naman nilang nakulangan kami ng respeto sa inyo."

"Please just stop. The elders would understand. Knowing what kind of a mess you guys are."

"Twenty and twenty two is still two years apart. Mas matanda ka pa rin."

"Green is right. Just drop the 'kuya'," si Red.

"Okay."

Ang dali lang naman palang kausap.

Wala sa sarili akong napangiti.

Bagay na hindi nakawala sa paningin ni Green. Nagtaas ito ng kilay at suplado akong tinitigan. Bakit ba pakiramdam ko'y naiirita siya sa akin ngayon? Bilang lang ang sandaling  kinausap niya ako ng normal. Kahit sa byahe kanina, tahimik lang siyang nakikinig sa usapan. Minsan ay napapansin kong pinaglalaruan nito ang hibla ng aking buhok. Ngunit hindi ko na sinubukang lingunin, dahil naiilang na makipagtitigan sa kanya.

Bahagya akong itinulak ni ate Jee sa upuang kaharap lang ni Green. Ayaw ma'y napilitang umupo. Nagtama ang tuhod naming dalawa. Dahilan para mabuhay na naman ang kung anong hindi maipaliwanag na emosyon sa aking sistema.

This is too foreign to me. Bagay na nag-uudyok sa aking isipin kung tama bang makaramdam ng ganito.

Bahagya akong umurong at umiwas ng tingin. Something was halting from staring at him back. Kailangan kong pigilan ang sariling pumasok sa isang sitwasyong maaaring mahirap nang talikuran.

Nang tuluyang dumaong ang bangka sa dalampasigan. Ako ang unang tumayo sa posisyon. Dadako na sana sa harapan, nang bigla niya nalang hawakan ang kamay.

"Huh?" gulat akong napalingon sa kanya.

Tumayo na rin siya.

"Huwag ka raw maglilikot sabi ng daddy mo," pabulong nitong ani. Pagkuwa'y agad ding bumitaw at nagpatiunang bumaba.

Ano ako bata na kailangan pang paalalahanan? I thought he'll say something cool that could shut off the awkwardness between us.

Mas lalo niya lang pinalala ang sitwasyon.

Kunot noo akong sumunod kay ate Jee pababa ng bangka. Hindi magawang iwaglit sa isipan ang kanyang sinabi, kahit pa sabihing maliit na bagay lang naman. But coming from him, I couldn't dare accept it.

Hindi ko alam kung talagang naiinsulto ako, o naiinis lang sa isiping hanggang ngayo'y hindi niya pa kinakausap ng kaswal. Katulad lang noong mga nakaraang araw.

May nagawa ba akong masama?

Nasaktan ko siya noong sandaling umalis matapos niyang hawakan sa kamay at makaramdam ng kuryente? Why would he feel bad over it? Was it even a big deal to someone like him?

Sa kanilang magpipinsan, siya lang talaga ang napakahirap intindihin.

Si Blu ulit ang umalalay sa akin pababa ng bangka.

"Welcome to our paradise," he said, smiling a bit.

Mula rito'y lumipat ang aking tingin sa malaking mansyon ng mga Everson. It had a touch of modern and spanish-design house. Iilang baitang ng hagdang yari sa bato ang unang tatahakin bago tuluyang makatapak sa sahig ng mansyon. The huge door is made of wood and rock, decorated with curves like a wave in the ocean. Sa tabi nito ay isang tinted na glass window. Hindi ako sigurado kung may tao bang nakatayo riyan at nakamasid lang sa amin. It can be the owner of this place, or one of the Gilmour.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon