Chapter 7

76 4 0
                                    


"Sorry for what happened earlier," gulat kong binalingan ng tingin si Green.

Hindi ko man lang napansin ang kanyang pagsunod. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa hawla ng mga kabayo.

"No. Ako nga dapat itong humihingi ng pasensya."

"Walang may kasalanan. It was an accident," pabiro nitong ginulo ang buhok ko.

"Mga girlfriend niyo 'yon?" hindi ko napigilang tanong.

"Yeah..."

Agad sumilay ang pait sa aking sistema. May ideya na naman talaga ako e, ayaw ko lang tanggapin. Sa gwapo ba naman ng mga nila, imposibleng wala silang kasintahan.

But Nolan... Bakit sa lahat ng babae, ganoong klase pa ang pinili niyang mahalin? Hindi naman sa hindi ito karapat-dapat sa kanya.

Pero...mukhang ganoon na nga.

A guy as lenient as him needs a more decent woman. Kahit hindi ako, basta disente lang.

"Girl Friend," he said with emphasis.

"Huh?" natigilan ako, mabilis napaharap sa kanya.

"As in kaibigang babae?" pangungumpirma ko.

Hindi ito sumagot. Bagkos ay mabilis na naglakad palayo.

"Akala mo naman maniniwala ako. Kung maglaplapan nga kayo parang wala nang bukas, tapos kaibigan lang? What a funny joke!" sarkastiko kong sabi.

"What is it to you then?" matigas na boses ng isang babae mula sa likod ng pader ang nagpatigil sa akin.

The woman which I thought was Nolan's girlfriend came out, wearing a dangerous look.

Nakapagpalit na ito ng pulang bestida na hanggang hita lang at nakatali na rin ang mahabang buhok. Mas pormal itong tingnan sa suot niya ngayon, keysa crop top and short shorts na suot kanina.

"Nandiyan ka pala..."

"Hindi kami basta-bastang kaibigan lang ng magpipinsan," she strutted towards me.

"I see," walang gana kong tugon.

Hindi na bago sa akin ang mga eksenang katulad nito. And I am so sick of this! Pati ba naman dito hindi ako tatantanan ng mga umaastang girlfriend?

Alam ko na ang susunod nito. She'll probably ask me to stay away from their boys.

At dahil masunurin ako, siyempre hindi ko sila susundin. I had more important thing to do. Putting their own personal issue on top list isn't my thing at the moment.

"We are special to them," dugtong niya.

"Aha."

Mas lalong pumait ang timpla ng mukha niya sa sagot ko.

"Are you mocking me?"

"Hindi."

"Ayusin mo ang sagot mo."

Ngumuso lang ako, saka umiwas ng tingin.

"Stay away from them..."

See?

Nagkibit balikat ako, tatalikod na sana ngunit sa gulat ay hindi na nakapalag nang hawakan niya ang aking kamay at ilagay sa ulo.

"Ouch... Help!" malakas na sigaw nito.

"Ano ang ginagawa mo?" natataranta kong tugon.

"Putting on a show..." masama itong ngumiti, kapagkuwa'y muling nagsisigaw upang makuha ang atensyon ng lahat.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon