"Mommy, look there's a fish!"Agarang nagbalik sa reyalidad ang aking naglalakbay na diwa. Mabilis akong napalingon kay Aiden. Buhat ito ng hagdan at tinuturo ang mga isda sa malaking aquarium na nasa ikalawang palapag.
"You like it?" walang sa sariling dumako ang aking tingin kay ma'am Stella.
She is staring intently on my son. With a smile drawing on her lips. Magkahawak-kamay silang dalawa. Nang pumasok kami rito sa mansyon ay hindi na nito binitawan pa ang anak ko.
"You want it?"
"I want all of it mommy..."
Natawa kaming lahat.
"He is so cute," Nolan commented.
"Mana-mana lang 'yan," natatawa kong tugon.
"Sa tatay ba?" si Elo. Pagkuwa'y tumingin sa tahimik na pinsan.
Magkalapit lang, kaya malinaw na narinig ni Green ang pinag-uusapan namin. He averted his gaze to us. A little bit confused.
"Why?" he asked, looking at Elo.
"You are so hopeless," malisyosong napangiti si Nolan, "I'll just bring my princess to her room," hawak ang anak ni kuya Dashian, umalis sila sa aming tabi.
May inaasikasong importanteng bagay ang mga magulang ng bata. Nakiusap umano ang mga ito na kung maaari, bantayan muna ang anak nila. Until now, I still can't believe those two ended up together. But I am so happy. Kasi kahit papaano, 'yong isa sa importanteng tao sa buhay ko'y nakamtan din ang pagmamahal na higit pa sa inaasahan. Parang kailan lang noong sobrang inosente niya pa sa halos lahat ng bagay. Pero tingnan mo nga naman ngayon, magdadalawa na pala ang supling nila ng asawa niya. At least she is leaving the kind of life I wished I could have.
"You two need to talk," umalis na rin si Elo.
Wala kaming ibang dapat pag-usapan bukod sa negosyo. Iyon ang dahilan kung bakit sumama kami ng anak ko rito. Hindi ko na sasayangin ang oras sa pagkukwento ng bagay na wala namang konekta sa unang pakay. I want the deal to end as soon as possible. I am too nervous around him and it hurts!
"Tungkol nga pala sa offer ko," taas-noo ko siyang nilingon.
"We will talk about that later. May kikitain lang muna tayong kliyente."
"Tayo?" kumunot ang aking noo.
"If you want to know more about my business, you had to come with me and observe," he shrugged and turned his back at me.
"Teka lang... Si Aiden," nagmamadali akong umakyat sa hagdan. Naabutan si ma'am Stella at Aiden na nag-uusap sa balkonahe.
"My daddy Glay always look after me."
"Really? That's good."
"I love daddy Glay so much!"
Malungkot na napangiti si ma'am Stella.
"You are so sweet. Ang suwerte ng mga magulang mo sa'yo," he caressed my son's hair, "Pinalaki ka ni Aielle ng maayos."
Marahan akong tumikhim at lumapit sa kanilang banda.
"Kukunin ko lang po sandali ang anak ko. May pupuntahan kami-"
"Pwede bang iwan mo muna siya rito sa akin? Sandali lang naman siguro kayo 'diba? I want to spend time with my..." mula sa akin, lumipat ang kanyang tingin kay Aiden. Isang mahigpit na yakap ang iginawad dito, "Aielle, please..."
May magagawa pa ba ako? Ayaw niya nang pakawalan ang anak ko. At isa pa, dumating na rin naman kami sa ganitong sandali, tama na siguro ang ilang taong pagtatago. Napilitan akong pumayag. Hindi man lang umayaw si Aiden. Bagay na para sa akin ay kakaiba dahil mapili ito sa mga taong nilalapitan. Mahirap siyang paamuhin. Pero pagdating kay ma'am Stella, wala siyang kahit isang reklamo. Tila ba noon pa man ay magkakilala na sila.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...