"Pasok ka muna," he opened the door for me.Mabangong amoy ng paligid at ingay na nagmula sa iba't-ibang parte ng masyon ang sumalubong sa akin. Siguro'y simpleng ang mga tagapangalaga ng kanilang kabayo.
Iyan ang naririnig kong usap-usapan. Wala silang kasambahay, dahil kaya naman unang pagsilbihan ang sarili, ngunit may mga tagabantay sa alagang hayop. Sakaling maulit umano ang nangyaring pagnanakaw noon na naging dahilan para mawalan ng alaga ang nakababatang miyembro ng kanilang pamilya.
Malawak ang tanggapan. Windows and the grandeur chandelier that hung freely above was obviously made of gold. Ganoon rin ang engradeng hagdan na sinadyang lagyan ng mga artipisyal na bulaklak. There are Greek statues in each corner, gawa sa marmol ang maliit na mesang pinapalibutan ng naglalakihang sofa, at ang puting kisame ay sinabitan ng mga malilit na ilaw.
"Feel at home, I'll just get the first aid kit. You can roam around. If you want," iminuwestra niya ang paligid.
Tumango lang ako. Paano naman kaya magagawa iyon, gayung nahihirapan pa sa paglalakad?
Ipinagkibit-balikat ko nalang ang tanong na naisip.
From him, my eyes went to the abstract painting that hung just above the stair. Sa tabi nito ay nakasabit ang litrato ng mga may ari ng bahay. Ang dati at bagong henerasyon.
Tinahak ko ang daan palapit rito, upang puriin sa malapitan ang pisikal na kaanyuan ng mga Gilmour. Hindi maikubling pinagpala nga ang pamilyang ito. Mula sa mukha, hanggang yamang natatamo.
Hinanap ng mga mata ko si Nolan, but I found the matured version of him instead. He was sporting a sweet smile and eyes that speaks of serenity. May katabi itong magandang babae na yakap naman ang isang batang lalaki at batang babae.
The two kids and the man looks exactly the same. Para silang pinagbiyak na bunga. Pakiwari ko'y si Nolan ang lalaki, ngunit hindi alam kung sino ang babae. Kapatid niya ba? Nasaan ito ngayon?
"Come here," he offered a hand. Iginiya ako papunta sa sofa, "Kami na ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang mo. Mamaya, pupunta kami sa bahay niyo para personal na humingi ng pasensiya. We didn't mean to scare you. Nagulat lang din kasi kami."
"Kahit huwag nalang. Paniguradong hindi naman din ito mapapansin ni mommy at daddy, sa dami ba naman kasi ng ginagawa."
Dito niya na ako dinala sa mansyon nila dahil may maibibigay naman kasi umanong epektibong gamot, kumpara sa bahay na kahit panglunas sa sakit ng ulo ay wala pang nabibili. Palaging may inaatupag na importanteng pagpupulong ang mga magulang ko, kung kaya pati ang simpleng pangangailangan ay nakakaligtaan.
"Pwede kang pumalagi rito araw-araw kung gusto mong may kausap. Hindi naman kami nangangagat," tipid itong tumawa.
A laugh that seem to be the most beautiful melody I've heard for today. Isang musikang kung pakikinggan ay hindi nakakasawa. Parang gusto ko nalang pumikit at malaya itong isapuso.
"Baka makasagabal pa ako sa mga ginagawa niyo," bulalas ko matapos ang ilang sandali.
"That will never be an issue. You are always welcome to tap the door, whenever you are bored. Pwede ka naming turuang mangabayo, pwedeng maglaro ng volleyball sa labas at lahat ng mga gusto mong gawin."
Mangabayo...It sounds interesting!
Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang huli akong sumampa sa likod ng kabayo. Noong bumisita kami sa Villa ng isang kasosyo sa negosyo ni dad. Sandali lang akong naturuan noon, hanggang ngayo'y kulang pa rin sa kaalaman. Kung kaya'y sa ganda ng alok ni Nolan, mukhang mapapa-oo ako nito.

BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...