Chapter 2

148 10 1
                                    


"Ye aalis kami," mabilis akong napabalikwas ng bangon at matamang tumitig kay mommy.

Inaayos nito ang kanyang buhok, sinadyang pumasok sa kwarto ko upang tingnan ang repleksyon sa salamin.

"Anong oras kayo uuwi?" walang gana kong tanong.

"Five in the afternoon. May importanteng meeting kaming dadaluhan ng daddy mo," lumapit siya sa akin upang bigyan ako ng halik sa gilid ng ulo, "May ipapabili ka ba?"

"I am so bored," padarag akong umalis sa kama.

"Mamasyal ka nalang muna sa labas."

"Saan ako pupunta?"

"Kahit saan," inaayos nito ang higaan ko, "May malapit na sapa raw dito, subukan mong magbilang ng mga isda roon."

"Mommy naman! Gusto kong sumama sa inyo," ngumuso ako't bahagyang nagdabog.

Mang-iiwan na naman sila. Kakalipat pa nga lang namin, trabaho na agad ang inaatupag.

"O kaya'y pumunta ka sa mansyon ng mga Gilmour," muling suhestiyon nito. Sinadya pa akong lingunin at makahulugang nginitian.

She firmly believe one of the Gilmours got my eyes. Tama naman siya, pero hindi ko aaminin. Baka sabihin pa kay daddy at wala sa oras na magkagulo.

Strikto iyon pagdating sa lalaki. Kung pwede ay gusto niyang saka na ako humanga sa kahit sino kapag nasa tamang edad.

Sa susunod na buwan siguro, pwede na. I am already eighteen during those days.

Isang linggo na rin ang lumipas mula nang huli kong makita ang gwapong magpipinsan. They did came to have dinner with us later that night, bringing their own recipes which Red and Green personally prepared. Silang dalawa lang naman daw kasi talaga ang marunong magluto sa pamilya. Ang iba ay tagaubos ng pagkain.

They were somewhat fun to be with. Matatalino at magalang ding sumagot, kung kaya ay agad nakuha ang simpatiya ng aking ama.

Kilala ang pamilya ng mga ito sa buong lugar. Natural na mababait raw umano at maginoo. Nasa iba't-ibang lugar ang mga magulang para sa kanya-kanyang negosyo at buhay. Napag-iwanan ang anim, ganumpama'y hindi ito naging hadlang para magsipag sa buhay, maging pag-aaral.

They are so independent, which made the maidens here admire them to the core.

Hindi ko alam kung totoo nga ba ang mga nasagap na impormasyon, mula pa sa mga tagapangalaga ng taniman namin.

I wore spaghetti strap knee-length white dress and a pair of sandals. Hindi na nag abala pang maglagay ng kolorete sa mukha, para saan pa't mga puno at halaman lang naman ang kakaharapin.

Kanina pa nakaalis sina mommy.
Ngayon ay ako naman ang papanhik papunta sa sapang malapit lang umano.

I don't have enough courage to face the Gilmours. Minsan mang nagkasalo sa hapunan, hindi iyon sapat para basta-basta nalang akong pumunta sa kanila at makipagkaibigan.

I am a very shy person, especially to someone I adore.

"Magandang umaga po," masiglang bati ni Manong Kaloy.

Isa siya sa tagapangalaga ng malawak na taniman namin ng mangga. Magagalang ang mga ito, kaya agad napamahal sa akin.

"Magandang umaga din po," bati ko pabalik at matamis itong nginitian.

"Saan po kayo pupunta?"

"Sa sapa po, tama ba ang direksyong dapat tahakin?" itinuro ko ang daan sa kaliwa.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon