"Isasabay ko ba si Aiden ngayon?" I jumped out of the bed.Naghahanda na si Glay sa trabaho nito. Samantalang ako'y nagdadalawang isip pa kung pupunta nga ba sa opisina ni Green kasama ang anak.
"Isabay mo nalang. Para na rin malibang ang bata," he look at me through the mirror, "Stop thinking to much and just do what he pleases. I am always here to cheer you up when things didn't turn well."
"Thank you," mahigpit ko siyang niyakap mula sa likod.
"You are always welcome," he turned to face me. Pabirong pinisil ang aking magkabilang pisngi.
Hindi ito nagtagal pa lalo sa tabi ko. Tinatawagan na kasi ng katrabahong doktor. Para umano magpatulong sa kaso ng bagong pasyente.
"Mommy I'm ready!" masiglang sabi ni Aiden. Halatang excited sa lakad namin ngayon.
He was wearing a gray hoodie, khaki shorts and white sneakers. Dumiretso ito sa harap ng salamin upang tingnan ang sariling repleksyon.
Parang kailan lang noong nahihirapan pa akong pasunurin siya, dahil napakalikot. Pero tingnan mo nga naman ngayon, alam niya na kung paano alagaan ang sarili. Kahit sa murang edad pa lang.
"Mr. Gilmour called," inabot niya sa akin ang teleponong hiniram kagabi.
"Ano ang sinabi?"
"He wants us to go straight to Donia Alicia."
Marahas akong napasinghap.
Nasa lugar na iyon ang halos lahat ng mga masasakit at masasayang alaalang nangyari sa buhay ko. I might end up reminiscing the past again. Bagay na labis iniiwasan.
My phone suddenly rung. Tumatawag si Green.
"Hello?"
"Papunta na ako diyan," bungad na sabi niya.
"Bakit?"
"Hindi nasabi ni Aiden sayo?"
My brows furrowed.
"Ang ano?"
"Kasama niyo ako papunta sa Donia Alicia ngayon."
"We don't need to go-"
"I have to run some errands in there. Besides, you need to know how my business works. In order to come up with a better words to convince me," he cut me off.
Problemado akong napailing. This will never be a good idea.
"Mahaba-habang byahe iyon, hindi sanay si Aiden."
"Ako na ang bahala, bye!" agad nitong pinatay ang tawag.
Tulala akong napatitig sa telepono. Paano ko maaatim na makasama siya sa iisang sasakyan? Anong sasabihin ko?
"You have to get ready mommy, Mr. Gilmour will be here in a minute," marahan akong tinulak ni Aiden papasok sa banyo.
Napilitan akong sumunod sa utos ng sariling anak. Tingnan mo nga naman at talagang bumaliktad na ang panahon.
I took a quick bath. Isang stripped button down puff sleeve A-line dress ang bumungad sa akin matapos buksan ang pinto.
"You should wear this mommy," basta-basta itong itinapon ni Aiden sa kama, kapagkuwa'y patakbong pumasok sa walk-in closet.
"This too," he smiled sweetly. Hawak ang pares ng puting sapatos.
Sunod kong napansin ang walang lamang bag na nakapatong sa sofa.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...