"Tawag ka ni sir," paunang sabi ng sekretarya nang huminto sa aking tapat.Utos na naman?!
Kakaupo ko pa nga lang. Mag-aalas nuwebe na ng gabi. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong kain dahil kailangang unahin ang mga mas dumarami pang utos ni Green. Dumagdag pa sa pasanin ko ang sakit ng ulo. Matindi ang tama ng mga alak na ininom ko kagabi.
Ni hindi ko na nga halos maalala ang mga nangyari. I remember I danced with my club fling, and then someone kissed me. I know it wasn't Mat because it is way more masculine and taller. Iba rin ang bango nito sa amoy ng perfume ni Mateo.
I remember Brent pulled me out of the dance floor right after the kiss. Dahilan para mabigo akong kilalanin ang lalaki. After that, I don't know what happened next. Nagising nalang ako kaninang umaga sa sariling kwarto. May suot nang T-shirt at pajama.
Hindi na naging bago sa akin ang ganoong klaseng eksena. Sa apat na taong pagsasama, nasanay na rin si Brent na alagaan ako tuwing nalalasing at binibihisan kapag nagsusuka. Dahil nakatira lang sa iisang condominium, marami ang nag-aakakalang magkasintahan kaming dalawa. But the hell! We both like boys.
Sinubukan kong itanong sa kanya kung kilala ba ang lalaking nakahalikan ko kagabi. But he just shook his head. Hindi niya rin daw kasi natitigan ang mukha nito. He pulled me out of the club because he is also getting drunk. Baka hindi kami makauwi kapag parehong lasing.
"Bilisan mo raw," pahabol na sabi ng sekretarya. Pauwi na ito.
Aba't ako pa yata ang papatapusin sa mga trabaho niya. Padarag akong tumayo at tinungo ang opisina ng halimaw.
Hindi na ako nag-abala pang kumatok. He can see me through the glass door. Nakasandal lang ito sa swivel chair at nakahalukipkip. He is watching me intently.
"Bakit po?" sa kabila ng inis, nakuha ko pa ring maging magalang dito. Kailangan e...
"Come here," he signaled me to sit on the chair across him.
"Hindi po ako magtatagal."
"Kumain ka muna."
Sunod kong napansin ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa niya. Galing ang mga ito sa isang sikat na fast food chain. There is also chocolates and cupcakes. May sulat pang nakadikit sa lalagyan.
Kuryuso akong naglakad palapit. Pilit na isinasantabi ang nakakatunaw na titig niya. Ano ba ang problema ng isang 'to? Kanina pa siya nagnanakaw ng tingin habang kinakalikot ko ang mga dokumentong pinapagawa niya. Madali lang sa amin ang makita ang isa't-isa sa buong araw dahil magkatapat lang naman ang opisina niya at cubicle ko.
"Take this as a gift for you," basa ko sa nakasulat. It had name written in bold at the bottom.
VIVIAN
Pangalan siguro iyan ng bagong babae niya. That girl from last time.
"Huwag na. Sa bahay nalang ako kakain," tugon ko sa matigas na boses, "Salamat nalang."
"No, I insist... Sabayan mo akong kumain," mabilisan siyang tumayo.
Ano ba ang pumasok sa isip niya ngayon?
"Para lang sa iyo ang mga pagkaing iyan. Huwag mo akong damayin," suplada ko siyang tinalikuran.
"I personally bought these for you."
Is this his kind of peace offering? After all he did, ito lang ang gagawin niya para makuha ang loob ko?
"Palagi ka kasing nahuhuli sa pag-uwi. And I noticed you don't eat snacks. You might be starving, so here..." he chewed on his bottom lip.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...