"You're spacing out again," mahinahong sabi ng katabi ko. His arm snaked on my waist and lips landed on the side of my head.Matamis akong napangiti saka isinandal ang ulo sa kanyang balikat.
All the memories I had eight years ago suddenly gushed through my mind. Sobrang linaw pa ng mga ito sa alaala ko. Na tila ba kahapon lang nangyari ang lahat. Their laughs, jokes, hugs, care...I can still clearly remember those.
Now I wonder what they've been doing these days. Kasal na rin kaya ang mga ito? May mga anak na ba? Are they happy too?
Aksidenteng dumako ang aking tingin sa malaking LED screen na nakasabit sa pamilyar na building. GS Proprietor, one of the leading company in the country. Owned by an apha...A very handsome one. Malungkot akong napangiti habang binabasa ang mga letrang nakapaskil sa screen.
'Mr. Gregor Sebastian Gilmour, the owner of GS Proprietor just announced his engagement with the country's promising designer, Vivian Ignacio'.
Sunod na lumabas ang nakangiting imahe nito kasama ang kanyang fiancee.
"You okay?" nag aalalang tanong ni Glay.
"Yup," mabilis kong sagot. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinaglaruan ang suot na wedding ring.
"You sure?" he lifted my chin up and looked at me intently. Ganito siya kapag hindi sigurado sa aking sagot.
"Oo nga kasi," mahina akong tumawa.
"Mommy, do you know Gregor Sebastian?" biglang tanong ni Aiden. Nakatuon lang ang atensyon nito sa labas, "He's a Gilmour too. Just like uncle Red, Blu, Elo, Nolan, Deb..." inosenteng usal ng bata.
"Uhh yeah. He's your umm..."
"Uncle Green," dugtong ni Glay sa sasabihin ko.
Nagkatinginan kaming dalawa. Matamis itong ngumiti at isang halik ang iginawad sa tungki ng aking ilong.
Minsan ko nang naikwento sa anak ko ang kabutihan ng magpipinsan, ang kanilang kabaliwan, minsang katangahan, at ang lahat ng alaalang aking nabuo kasama sila.
Hindi mahilig sa kwentuhan ang bata. Pero pagdating na sa mga Gilmour ay ganoon nalang ang kagustuhang makinig. Kahit na hindi niya pa naman talaga nakikita sa personal ang mga ito.
"I haven't heard his name on your stories mommy..." puna niya. Kasunod ang masamang titig na madalas gawin kapag hindi nagugustuhan ang aking ginagawa o sinasabi.
"Hindi ba?" pagmamaang-maangan ko.
Siya lang talaga ang hindi ko kayang ikuwento sa bata. Not because I'm bitter. I just don't want my son to know about my past. About what happened to me and his...Uncle.
"Mommy did son. Tulog ka na nga lang noon kaya hindi mo napakinggan," pagdadahilan ni Glay.
Humalukipkip lang si Aiden at muling tumingin sa labas ng bintana. Paniguradong naninibago ito sa mga nakikita. Unang beses niyang tumapak sa Pilipinas. Ang lugar na taliwas sa nakasanayang klema.
He was born and raised in Norway. I fell inlove with the country's climate and beautiful environment. Kaya ang sanay sandaling pananatili ay naging matagalan. Doon kami ikinasal ni Glay at doon na rin sana bubuo ng mas malaki pang pamilya, kung hindi lang nagkaproblema.
Tumawag si mommy noong isang araw para ibalita ang banta ng mga shareholders na babawiin ang perang inilagay sa kompanya kung hindi ito lalago.
The company that they've been fighting for was now at its peak again. As per request, I need to save it for the second time. Ngunit hindi ko alam kung sa pagkakataong ito ay kaya ko pa rin ba.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...