"Si Green naman!" nabungaran kong sigawan ng magpipinsan mula sa sala. They are having a small party. With ma'am Stella, tita Kielanne, tita Ruby, and their husband.Kakalabas ko lang mula sa magiging kwarto namin ni Aiden. Tulog na ito. Katabi si Briar, kuya Dashian's first born child. Sandali lang magkasama, pero sobrang close na agad nila.
"Tulog na sila?" nakuha ni ate Jee ang aking atensyon. Paakyat na sana siya sa hagdan upang siguro'y puntahan kami.
"Opo ate," my gaze averted to her tummy. Malaki-laki na ang tiyan niya. Dalawang buwan nalang ang hihintayin bago tuluyang manganak. Kahit nagka-usap na kanina at nagkamustahan, hindi ko pa rin mapigilang humanga sa malaking pagbabago nito. She looks so expensive now. Mas gumanda pa at naging masiyahin. Ibang-iba sa dating ate Jee na nakilala ko.
"Pasensya na kay Briar ha? Mahilig lang talaga kasi siya sa batang katulad niya."
"No worries ate. At least may kalaro si Aiden," ngingiti-ngiti akong lumapit dito.
"Nga pala, kanina ko pa napapansin na mas pumayat ka. Pinapakain ka ba ng asawa mo?"
"Oo naman ate. Masipag lang talaga ang metabolismo ko."
We both laughed. Wala pa ring pinagbago sa samahan namin. She is still talkative, like she used to.
"Alam mo na naman sigurong kasal na rin si Green ano?"
So the rumor is true...
Dahan-dahan akong tumango.
"Akala ko talaga noon kayo na ang magkakatuluyan. Botong-boto kaming lahat sa inyong dalawa," humalukipkip siya.
"Wala e... Ayaw ng tadhana," nagkibit-bikat ako.
"Baka ayaw mo lang?"
"Hindi na pwede. That's the right term. We had our own titles and priorities now. Ayaw ko nang sirain o baguhin pa ang meron ako. For sure masaya naman siya sa asawa niya. Mahal siya ni Vivian at siguro naman natutunan niya na rin itong mahalin. Nagpakasal na nga 'diba?"
"Ikaw... Mahal mo ba ang asawa mo? Don't get me wrong. Kuryuso lang akong malaman. Noon pa man tayo na ang magkasama. I know when you are genuinely happy and when you aren't. Alam ko rin kung kailan ka nagsasabi ng totoo. So better be sure of your answer."
"Mahal ko siya... Oo," tumango-tango ako. I am convincing not just her, but myself also, "Kaso..." I licked on my lips and looked down.
"Kaso hindi kasing tindi ng pagmamahal na inalay mo noon sa taong akalang makakasama habang buhay," siya na mismo ang tumapos sa sasabihin ko, "Green is your first and great love. No one can change that fact."
Mas pinili kong manahimik nalang. Ayaw kong kumpirmahin ang sinabi niya. Kung anong klaseng pag-ibig man ang ang meron ako para sa kanya noon, mananatili nalang iyon sa nakaraan. Ngayong dahan-dahan nang nasasagot ang mga katanungan, pwede na siguro akong magpatuloy sa buhay. Without the presence of my past and the memories that I kept on looking back.
A melodramatic song suddenly played. Mabilis kaming napalingon sa mga Gilmour. Unang naging sentro ng aking paningin si Green. He is staring back at me, agisted and in gloom. May hawak siyang mikropono. Napasubo yata sa kantahan.
"Darlin' I, I can't explain. Where did we lose our way?" paunang kanta nito.
Simula pa lang, pero nasasaktan na ako. The way he delivered the first stanza speaks so much of agony. Kahit nga ang mga pinsan niya'y nadala.
"Girl it's drivin' me insane. And I know I just need one more chance."
One more chance... Judging from our situation now. One more chance is too hard. Siguro iaasa ko nalang ang lahat sa susunod na buhay. Kung mangyari mang totoo iyon.
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
Storie d'amoreGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...