Chapter 8

78 4 0
                                    


Napagtanto kong wala namang magandang patutunguhan ang patuloy na pagkukulong sa kwarto. Magugutom lang at hindi malilibang. There are many things to do outside. Might try those... Baka sakaling makalimutan man lang kahit sandali ang nangyari kahapon

Naligo muna ako. At sa tulong ni ate Jee, nakapaghanap naman ng maayos na damit. Umalis din agad ito upang muling tumulong sa mga gawain dito. Nakaugalian niya na talaga ang maging masipag.

Wearing white sando that stops just above my navel and a pair of ripped jeans, with boots to complement my overall look, I confidently strutted downstairs.

Agad kong nakuha ang atensyon ng lahat. Namistulang prinsesang hinihintay ng anim na prinsipe sa baba.

Kay gwapo naman talaga ng mga ito oh...

"Aalis kami ni Red ngayon," usal ni Green upang agawin ang atensyon ng mga pinsan.

"Go," walang lingong tugon ni Elo. Hindi nito maialis-alis ang tingin sa akin.

Marahil ay nababaguhan sila sa awra ko. Ngayon lang kasi nakitang ganito ang suot.

"But before that. May kailangan tayong sabihin kay Aielle," muling sabi ni Green.

Our eyes locked. Unlike the usual, may nababasa na akong emosyon sa mga mata niya ngayon. Surprised and awe. It still speaks of danger, but at the same time I can see gentleness on it.

"Good morning po," magalang kong usal, saka yumuko.

"Morning..."

Sabay na sagot nila. Kapagkuwa'y sabay ding nagtawanan. Parang walang nangyari ha? Bakit kaya?

Magsasalita na sana ako ulit, ngunit naunahan ni Red.

"In behalf of our friends... We are sincerely asking for forgiveness. We have proven your innocence. Hayaan mo kaming bumawi sayo."

Huh?

"Lane admitted her fault. Gusto sana nitong personal na humingi ng pasensya sayo. Pero tulog ka na yata no'ng pumunta kami sa kwarto mo," usal ni Elo matapos mapansin ang pagtataka ko.

"And about Sam..." panimula ni Nolan, "We reviewed the CCTV earlier...I am so sorry," he bit his lower lip.

Hindi ko alam kung maiiyak ba o matutuwa? Akala ko talaga matatagalan pa bago bumalik ang trato nila sa akin.

"Iiyak na 'yan," pang aasar ni Blu.

"Alam niyo ba kung bakit bilib na bilib ako sa inyo?" umupo ako sa tabi ni Red.

"Bakit?"

"Kasi hindi kayo 'yong tipo ng taong nagtatanim ng galit o inis sa kapwa. Yes, you guys are really scary when you get mad. But there's no way you'll let your emotion rule over your system. You always go for rationality. At the end, mas pipiliin niyo 'yong tama," mahabang lintanya ko.

Katahimikan ang sunod na namayani. Hindi ko tuloy matanto kung sumasang ayon ba sila o ano?

Parehong nakatitig sa pader si Nolan at Deb, si Blu naman ay wala sa sariling pinaglalaruan ang labi, si Elo ay kung saan-saan ibinabaling ang tingin, Red was silently playing with my hair and Green...he was looking at me intently. Ngumuso ito saka bahagyang ngumiti.

"Maiiyak na ba ako?" tanong ni Elo matapos ang ilang sandali.

"Naiiyak na nga ako rito," si Deb.

"Ang bait pala natin?" hindi makapaniwalang tanong ni Nolan.

"Ginagago niyo yata ako e," umarte akong nagtatampo.

"We're not," si Green.

Muli na naman kaming nagkatitigan.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon