Chapter 40

83 5 4
                                    

SPG (Read at your own risk)

"I'll be back," Green kissed the side of my head. Gusto ko sanang pigilan itong umalis. Malakas ang ulan at hangin sa labas, baka madisgrasya sila. But I don't want to be selfish either. Aidle, wherever she is right now, surely needs help.

Mas tumindi ang alitan nila ni Nicholas kanina nang makauwi kami galing sa panghuling isla na pinuntahan. Nic said her wife asked him to leave her alone. She needs little time to unwind. Out of respect, her husband agreed.

Ngunit mukhang maling ideya pa yata 'yon. Ang dapat ilang sandaling pag-iisip ay umabot ng gabi. She's missing...

"Mag-ingat ka," mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng kanyang suot.

"I promise."

Agaran itong sumunod sa mga pinsan niya na sasabay sa paghahanap kay Aidle. Sana maging maayos ang takbo ng lakad nila ngayon.

I hope God will guide them. Madilim pa naman ang kagubatan at marami raw umanong mga mababangis na hayop. Huwag sana silang dapuan ng malas.

I sat on the couch, trembling a bit. Kami lang ni Isabel ang natira sa buong mansyon. Parehong nakatulala at kinakabahan. Ewan ko, baka katulad ko'y kung sino-sinong santo na rin ang tinatawag niya para lang hingin ang gabay.

We waited patiently. Tahimik lang at nasa pinto ang mariing tingin. Kailan ba sila babalik? Bakit ang tagal? Lumalakas pa lalo ang ulan.

"Ate lalabas na muna ako ha?" biglang ani ni Isa matapos ang ilang sandali.

"Huh? Bakit?

"Tutulong na rin ako sa paghahanap."

"Wala kang kasama, baka kung mapaano ka."

"Kabisado ko ang lugar. Walang mangyayaring masama sa akin," dali-dali itong naglakad palabas ng pinto.

"Samahan na kita."

"Huwag na ate. Dito ka lang," hindi na nito hinintay pa ang sagot ko. Agad na umalis. Iniwan akong mag-isa at naguguluhan.

Ano ang gagawin ko rito?

Wala sa sarili akong napatingin sa katapat na sofa. Walang mga tuwalya o roba. Kailangan kong kumuha ng iilang pares para pamunas sa mga lumabas. I run towards the grand staircase. Unang pumasok sa kwarto namin ni Green. I only got three towels. Kulang pa, kaya sunod kong tinungo ang kwarto ni Elo at Deb para dagdagan.

I then immediately went back downstairs. Wala pa rin sila. Takot ako sa kulog at kidlat, pero sa pagkakataong ito'y hindi na iyon inisip pa. Mas importante sa akin ang kaligtasan ng lahat.

I waited for another minutes. Kagat-kagat na ang mga kuko at hindi mapirmi. Hanggang sa wakas dumating si Nolan at Red, kasama ng sugatang si Aidle.

Dumadaloy mula sa tuhod nito pababa ang mga sariwang dugo. She's wounded.

"Ate Ai!" si Isabel.

Akala ko ako ang tinatawag niya. I forgot I and Aidle had the same nickname. Basang-basa na rin ito kasama ang iba, "Sobra kaming nag-alala," naiiyak niyang sabi habang niyayakap ng mahigpit ang asawa ng kapatid.

"Sorry... nawala kasi ako sa gubat," naiyak na rin si Aidle.

"It's alright,"I handed Isabel a towel and gave the other one to Ai.

Hinayaan kong mag-usap ang dalawa. Lumipat sa tabi ni Green upang ito naman ang pagsilbihan.

"Here," inabot ko sa kanya ang panghuling hawak na tuwalya, "You made me so worried," I blantly said.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon