Chapter 31

90 4 0
                                    


"Mr. Gilmour was still on a meeting," sagot ng sekretarya sa pangatlong pagkakataon.

Halos oras-oras ay tinatawagan ko siya upang tanungin kung pwede bang makausap si Sebastian. Tatlong araw na akong nangungulit dito, ngunit isang beses ay hindi ako pinapaunlakan ng gago. But I can't just give up! Kailangan namin siya ngayon.

"You're going out again?" malungkot na tanong ng anak ko. Marahan pang hinihila ang laylayan ng aking suot bilang pagpapahayag ng disgusto.

Kung hindi ko makakausap sa telepono si Green, pupuntahan ko nalang siya sa site na madalas umano niyang bisitahin. Saktong malapit lang dito kaya ilang minuto lang ang byahe. Simpleng white V-neck shirt, ripped jeans, at white flatform sleek trainers shoes ang napili kong suotin. Sandali lang naman kasi ako roon.

"I have to baby, it's for the company," lumuhod ako upang pantayan ang titig ni Aiden. His eyes never failed to amaze me in every possible way. At the same time it reminds me of all the pain I've been through all these years.

Nasa bagong pinapasukang ospital ngayon si Glay. Mamaya o bukas pa yata siya makakauwi. Lalo na't may dalawang operasyon agad itong dapat asikasuhin.

Maiiwan ang bata dito sa bahay kasama ang lolo niya. Ngunit halatang ayaw nito sa ideya.

"Let me come with you mommy," he pouted.

"Ayaw mo bang makipaglaro kay lolo?"

"Lolo is the best... But I miss playing with you," tumungo siya, naiiyak na. "Let me come with you just this once. I promise I'll behave," pinagdikit niya ang kanyang mga kamay at nagpuppy-eyes.

I bit my lower lip and sighed heavily. How can I say no to this cutie?

"Alright. Basta huwag mong gagawin ulit ang ginawa mo noong nakaraan ha?" pabiro kong ginulo ang kanyang buhok, "Magbihis muna tayo."

Ganoon nalang ang pagtili niya sa galak. Saka mabilis na tumakbo papunta sa walk-in closet.

Siya na mismo ang pumili ng kanyang susuotin. Isang white printed shirt, maong shorts, and white sneakers. Gusto niya terno kami. Gamit ang mga daliri ay sinuklay nito ang kanyang maitim at medyo kulot na buhok, gaya ng sa akin. Kapagkuwa'y sandaling pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon sa salamin.

"Binata na ang Aiden namin, marunong nang mag ayos oh," pagbibiro ko. Kasunod ang binibining tawa.

"I am now capable of doing things mommy. No need to depend on you anymore," he stood up in front of me. Speaking arrogance and cuteness at the same time.

Siguradong si Glay ang nagturo sa kanya nito. Hindi ko maitatangging mas magaling siya pagdating sa pakikisama kay Aiden. Dahil bukod sa parehong lalaki, halos magkapareho rin ang hilig nila.

"Let's go?" dinukot ko ang aking sling bag sa kama.

"Let's go," he offered a hand for me.

Mabilis ko itong inabot at matamis na ngumiti.

Dumaan muna kami sandali sa kwarto ni daddy upang magpaalam.

"Mag ingat kayo anak," pahabol na paalala nito.

"Opo dy. Babalik kami agad," I assured him. Hindi nakawala sa akin ang nag-aalalang titig nit, "We'll be alright," pinal kong sabi.

Nakalabas na ang sasakyan. Hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin sa amin ang mga dating tagasilbi. Maging dito'y sumama sila. Bagay na lubos kong ikinakatuwa. They're so loyal to us!

Si ate Jee lang talaga ang nawala sa grupo. She finally had her own family now.

"Whom are we meeting mommy?" kuryusong tanong ng anak ko habang nasa byahe. Nakahalukipkip ito at diretso lang ang tingin sa labas ng bintana.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon