"Alis na kami. Sumunod ka agad," huling paalala ni mommy sa akin bago ito lumabas ng kwarto.May salo-salong magaganap sa mansyon ng mga Gilmour ngayon bilang selebrasyon sa pagtatapos ng pag-aaral nina Blu, Green, at Red. Pati na rin ang kay Deb at sa akin.
I turned down their offer yesterday. Ayaw ko na sanang makisali pa sa selebrasyon nila. Para sa pamilya iyon. Ngunit ipinilit pa rin nila ang naisip na plano. Parte naman kasi umano ako ng pamilya. Not by blood, but by heart.
Of course I am thankful. Marami ang naghahangad na maging parte ng samahan nila. Sa lahat ng mga nakapila, ako ang masuwerteng nabigyan ng pag-asa.
I rolled over my bed and took a deep breath. Wala akong ganang umalis sa kama. Hindi ko ramdam ang magpakita sa kung sino ngayon.
Dumako ang aking tingin sa alarm clock.
Mag-aalas siyete na. Ilang minuto mula ngayon sisimulan nila ang kasiyahan. I think most of their guess already arrived in the mansion. Including their parents and momma.
Kailangan din daw doon ang presensya ko. But I don't think I can pull myself out of this room. Sa pagkakataong ito, parang hindi ko na kayang magkunwari pang ayos lang ako.
I am still so affected.
Lahat ng detalye ay malinaw sa aking alaala. The way he touched and kissed that girl, expresses much affection. Ibang-iba sa halik na iginawad niya sa akin.
Hindi niya ako nakitang nasasaktan. Kasi bago pa man matapos ang ginagawa nila'y hinila na ako palayo ni Nolan. He brought me out of the campus. Tinawagan niya lang ang mga magulang ko at ipinaliwanag na gusto kong kumain ng ice cream kasama siya. He told my parents that he'll bring me home safely. At sandali lang kaming mawawala kaya huwag silang masyadong mag-alala.
Walang ibang nagawa ang mga magulang ko. Napilitan silang pumayag kasi unang-unang, nakaalis na naman ako.
Sapat lang ang naisip na ideya ni Nolan. Kailangan ko munang magpalamig. I needed ice cream and comfort. Lucky enough, I have him. My supposedly first, and last love. But unfortunately, fate tricked me.
Natigilan ako sa pag-iisip matapos marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto.
"Ai?" si ate Jee, "Nakaayos ka na ba?"
"Hindi ako pupunta," diretsahang kong sagot.
Bumukas ang pinto. Iniluwa ang magandang imahe ni ate suot ang maroon na bestidang binili ko para sa kanya. It is a long sleeve dress that stops bellow the knee. Paired with silver sandals.
"Ayos ka lang?" umuga ang kama nang umupo siya.
"Hindi po maganda ang pakiramdam ko."
She put her palm on my forehead. Feeling my temperature.
"Hindi ka naman mainit."
My heart is in much misery.
Tumunog ang aking telepono. Inabot ito ni ate sa ibabaw ng tokador at sinagot ang tawag.
"Mommy mo," she immediately handed it to me after hearing my mother's voice.
"Hello?"
"Nasaan ka na ba? Ikaw nalang ang hinihintay dito."
"Hindi po maganda ang pakiramdam ko."
"Kahit sandali lang pumarito ka."
I heaved a deep sigh.
"I can't mom... Bye!" I hanged up.
"Hindi ka talaga pupunta?" paninigurado ni ate, "Nandoon ang girlfriend ni Green. Baka gusto mong makita?"
BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...