"Green told me about what happened. We are so sorry anak," bungad na sabi ni daddy matapos kong sagutin ang tawag.Itinapon ko ang sarili sa kama. Saka mabilis na nahanap ng braso ang malambot na unan.
"You know how badly we wanted to maintain the companies performance. By doing so, we had to personally meet the investors..." dugtong pa nito.
Ngumuso ako. Nanatili lang tahimik, naghihintay na matapos siya sa pagsasalita.
"Alam namin kung gaano kalaki ang pagkukulang sayo. Susubukan naming bumawi pagkatapos ng lahat ng ito anak. Just please...huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang magpipinsan."
Gumulong-gulong ako sa kama. Hindi ko naman kasalanang masyado nilang siniseryoso ang pagbabantay sa akin. Lalo na si Green. Kaya ngayo'y sumasakit ang ulo. They can just go on with their lives without paying much attention on me. I'd love that!
"Nak... Hindi mo na ba kami mapapatawad?"
I suddenly felt a big hand caressing my heart, making it vulnerable again. Ang pader na binuo ko kani-kanina lang ay unti-unti nang natitibag. Kung tatanungin ba naman ng ganyan? Hindi naman ako ganoon kasama para panatilihin ang inis sa mga ito, they're still my parents after all.
Gusto ko lang talagang iparamdam ang pangangailangan bilang anak, mukhang nakakalimutan na kasi nila. I kinda miss their touch, kisses, their advices, and care...Iyan lang naman ang nais ko, pero bakit napakalabong mangyari?
A tear escaped on my eyes. Mabilis ko itong pinunasan at kinagat ang pang ibabang labi.
"Naiintindihan ko naman kayo e..." naiusal ko matapos ang ilang sandaling pananahimik, "Alam kong may mga kailangang isakripisyo para mabuhay tayo. Pero hindi niyo ako masisisi na makaramdam ng ganito. Kailangan ko rin po ng aruga. Kailangan ko ng mga magulang na titingin sa akin."
"Sorry... Pagkatapos ng lahat ng ito babawi kami. Gagawin namin ang lahat para makabangon tayo," si mommy. Hikbi nito ang sunod kong narinig.
"Gagawin ko rin po ang lahat para makatulong sa inyo my, dy..."
Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan pa ang mga luha.
"That's good to hear anak. After our trip, we will go directly to you," naiiyak na rin si daddy.
"Panghahawakan ko 'yan. Hindi ko na kayo papansinin kung babaliin na naman," usal ko na may halong pagbabanta.
"Promise nak..." sabay nilang sagot.
Pinunasan ko ang aking mga luha saka bumangon.
"Stop crying my. Baka mas lalo ka pang pumangit," I joked.
Ang hikbi sa kabilang linya ay napalitan ng mahinang tawa.
"This ugly made you!"
Now we are talking. Ganito siya palagi kapag sinasabihang pangit. Ako naman ngayon ang natawa, mas lalo pang ginanahang mang-asar.
Umabot ng isang oras ang pag uusap namin. Maraming ikinuwento ang mga ito, ganoon rin ako. Sobrang laki ng tulong nito para kahit papaano'y maibsan man lang ang pangungulila sa kanila. And that's all thanks to Green who told my parents about what happened earlier. Kung hindi dahil sa kanya, hindi tatawag ang mga ito. Kulang ang salitang pasisisi para ipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Kailangan kong bumawi sa kanya...
Umalis ako sa kama at tinungo ang malaking salamin, malapit lang sa walk-in closet.
Masyadong malaki sa akin ang binigay niyang puting t-shirt at jersey short. Pero ayos na rin, kumportable naman kasi.

BINABASA MO ANG
Chase and Shots
RomanceGilmour Series 1 Aielle and her family had to move from the city, to the province of Donia Alicia. That means having to face an incisive farewell to the life she had been used to since childhood. She hate the idea, but couldn't do anything to stop i...