Chapter 42

76 5 0
                                    


"Alis na ako," Green kissed the side of my head.

"Mag-ingat ka," walang gana kong tugon. Umurong ulit ang sikmura kaya mabilis napatakbo pabalik sa sink.

Kanina pa masama ang aking pakiramdam. Wala nga sanang balak umalis sa kama. Kaso pinilit niyang bumangon para sabay kaming makapag-almusal.

Finally, after how many weeks, natapos din ang internship. Marami rin akong natutunan sa trabaho. Green taught me how to utilize threat as an opportunity, how to enliven strength and diminish weakness. Itinuro niya rin kung paano gumawa ng report na hindi masyadong nahihirapan. Saka nagbigay ng payo ukol sa mga dapat at hindi dapat ginagawa sa negosyo. He showed me the real deal in business and even shared his company's greatest secret to success.

Palagi na ako nitong sinasama kapag may meeting sila ni Vivian. Ayaw niya umanong maulit ang nangyaring sagutan namin noong pinaghintay ako ng maraming oras sa wala. Only to find out that he was with that woman. Talking about projects and stuff very late at night. Ala una na siya nakauwi no'n. Sinalubong ko pa ng galit dahil lubos na hindi nagustuhan ang ginawa nito. Maiintindihan ko naman sana kung tumawag siya at ipinaliwanag sa akin ang sitwasyon. Kung sana'y hindi niya lang ako pinaasa at ginutom.

'I am sorry, hindi ko alam na nakapatay ang telepono ko.'

Naaalala kong paliwanag niya no'n.

I can't take it as a right excuse. Kung ginagamit niya ang utak niya noong panahong iyon, dapat siya na mismo ang kusang tumawag. Hindi itong maghihintay pa siyang kontakin ko. I know he is busy. Pero dapat sa umpisa pa lang hindi niya na ako pinaghintay. If he wasn't sure he'll come back to me on time, he should have told me sooner. At dapat sinabi niya rin kung sino ang kikitain niya para hindi ako magduda. I never want to doubt him and his love on me. Pero sa ginagawa niya, natutukso ako.

'That's why I asked George to escort you home.'

'Hindi ang butler mo ang inaasahan kong susundo sa akin. Hindi siya ang hinihintay ko kun'di ikaw!'

'Sorry, nawala lang talaga sa isip ko.'

'Nawala, o literal na kinalimutan?'

'Importante ang mga pinag-usapan namin ng team ko at ni Vivian. Our upcoming project is a huge gem for us. I don't want to mess things up.'

'I understand your nature of work. Walang problema sa akin kung totoong proyekto niyo nga ang laman ng usapan niyo kanina. Pero kahit isang tawag lang sana makakampante na ako Green. Sana kahit papaano'y naglaan ka ng konting oras para sabihin sa akin kung ano ang ginagawa mo at sino-sino ang mga kasama. Hindi iyong sa iba ko pa malalaman ang lahat. Tiniis ko 'yong gutom at takot kasi naniniwala akong darating ka.'

I remember how I cried awfully that time. Sinubukan kong lumabas ng bahay niya at bumalik sa condo kasama si Brent. Pero hindi ako nito hinayaang umalis. Mahigpit niya akong hinawakan at ni isang beses ay hindi sinubukang umalpas.

He promised he will make sure to update me regularly and will check his phone from time to time. At naniwala ako. Kasi mahal ko siya... Mahal na mahal ko siya.

"Ayos ka lang?" nag-aalala siyang dumalo sa akin, "May masakit ba sa katawan mo?" dumako ang palad nito sa aking noo. Dinamdam ang temperatura ko.

"I am alright," I answered in monotone, "Sige na, alis ka na baka mahuli ka pa sa trabaho mo."

Hindi siya sumagot agad. Sumandal ito sa lababo at mariing tumitig sa akin.

"What's wrong?" he tilted his head to the other side, "I told you, hindi si Vivian ang kikitain ko ngayon."

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon