Chapter 25

69 4 0
                                    


"Malapit na talaga ang graduation ano?" biglang sabi ni Shan habang hinihintay namin ang pagsisimula ng pelikulang papanoorin.

"Research nalang ang kulang at aalis na tayo sa DA Integrated."

"Sa ibang school ka mag-aaral ng kolehiyo?" gulat kong nilingon si Dome.

Nagkasundo kaming mamasyal ngayon. Wala kasing klase kasi abala ang mga faculty members sa paghahanda para sa nalalapit na graduation.

"Magdo-doktor ako."

"Wow! Talaga?" hinawakan ko ang balikat ni Dome at marahan itong niyugyog.

It suits him! Matalino siya at masigasig sa pag-aaral. Hindi gaanong magiging mahirap ang laban niya sa kuryong kukunin. With his determination, anything can be possible.

"Kasali siya sa nakapasok sa isang medical school doon sa syudad. At bibigyan pa ng scholarship dahil isa sa nakakuha ng malaking puntos noong entrance exam."

Hindi na nakakagulat ang bagay na iyan. Knowing how brainy he was, surely he can gain more academic achievements.

He is lowkey the smart boy in class. Ngunit hindi niya iyon masyadong pinapakita. Kung kaya ay madalas nawawala sa honor list.

Sa aming tatlo, siya ang totoong matalino. Taga-kopya lang kami ni Shan minsan.

"I'll be rooting for you success," I playfully caressed his hair, "Kami nalang ni Shan ang matitira sa DA."

"Aalis din ako."

"Huh? Iiwan mo rin ako?"

"Kukunin na ako ng tatay ko," malungkot siyang yumuko.

Ako lang pala ang matitira sa paaralang pinapasukan namin. Kung nawawala rin si Deb at ang ibang Gilmour, sino na ang magiging karamay ko?

"Sa Bahrain nakatira 'yon diba?" ngumuso ako.

"Oo. Doon ako mag-aaral ng kolehiyo. Pero promise babalik ako rito pagkatapos ng apat na taon," ginagap niya ang aking kamay.

"Mami-miss ko kayo," halos pabulong kong ani.

"Pwede pa rin tayong magkita kung gugustuhin," si Dome.

"Paano kung maging abala ka sa pag-aaral? Medicine is not a simple course."

"Maghahanap ako ng oras para sa'yo."

"Tapos ivideo-call niyo ako ha?"

Dalawang linggo nalang pala at magkakahiwalay na kami.

I doubt if we could still talk the same way throughout our college journey. Magiging abala na kami pareho sa sari-sarili naming laban sa buhay.

Nararapat lang talagang sagarin namin ang natitirang araw na magkasama.

I suddenly remember the boys. Nag-uusap pa rin naman kami. Minsan ay dumadako sila sa taniman o sa bahay para mangamusta. Madalas ko ko ring nakakasabay sa pagkain si Elo, Nolan at Deb. Nakakasama naman si Green at Red sa library. Si Blu ang palagi kong kasalubong sa hallway dahil magkalapit lang ang classroom naming dalawa. We are still good friends. Pero napapansin kong hindi na kami gaanong nagsasaya gaya ng dati. And it was because of me.

Dahil minsan ay lantaran kong ipinapahayag sa mga ito ang kagustuhang dumistansya. Sa kadahilanang masyado na akong nakadepende sa kanila. Pareho lang sa rasong ibinigay ko kay Green noon.

But it is partly the reason why I want to distant myself to them. I want grow independently. Gusto kong makilala si Aielle. Kasi sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam kung sino ako, kung ano ang totoong hilig ko, at ang gustong maging.

Chase and ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon